CHAPTER 54

1K 16 8
                                    

Author's note: 

Ako po'y napakahinhin at walang kamuwang-muwang na dalaga kaya naman po ang story ay rated G HAHAHAHA 

Pasensya na po sa mga nag-expect ng mas detailed pa dito at di po kinaya ng imahinasyon ko ;)

HAHAHAHA THANKS FOR READING! 

CHAPTER 54

"Ibig mong sabihin...." Di maituloy ni Jamila ang tanong sa kaibigan.

"Yes." Mahinang tango ni Fran maski alam niyang di ito nakikita ni Jam. Kasalukuyan kasi silang magkausap sa telepono ng kaibigan habang si Fran ay nasa loob ng banyo ng kwarto ni Robb.

Alas-singko palang ay tumawag na ito upang kumustahin ang naging sorpresa ng lalake para dito. Di na daw kasi nito mahintay pang magkita sila sa opisina dahil sobrang excited nitong malaman kung naging successful ba ang plano nito.

"Naisuko na ang bataan!" Sigaw nito sa receiver.

"Yess!! SHH! Wag kang maingay baka may makarinig!" Bulyaw niya dito.

"HEH! Girl! Girl! Tapos na ang tagtuyot. Tapos na ang iyong buhay dalaga... officially!"

"Baliw mag 4 months na po akong kasal." Fran rolled her eyes.

"G*ga eh ngayon lang na-consumate yung marriage niyo!" napapantastikuhang sabi nito sa kanya.

"Eh yun nga..."

"Soo...." Awkward na tanong ni Jamila.

"Grabe girl!" Sigaw niya sa receiver dahil di niya alam kung paano sasabihin o kung dapat pang ikwento ito at sabay naman nito ay ang naramdaman niyang sobrang pagiinit ng pisngi niya.

Matapos kasi ang naging sorpresa ng asawa para sa kanya ay nagkwentuhan pa sila ng ilang oras at inihatid na siya nito sa kwarto niya na nalalapit sa kwarto nito.

Nang akmang dapat ay hahalikan na siya nito sa pisngi ay humarap siya upang sa labi halikan ito. It's now or never yan ang isip niya nang oras na iyon, and the rest is history.

Tuluyan na ngang naganap ang long awaited honeymoon nilang mag-asawa and he didn't fail to cherish her and continuously care for her and tell her about his love for her throughout the night.

"Girl!!! I'm so happy for you!" Masayang sabi ni Jamila sa kanya na nakapagpabalik sa kanya sa oras na iyon.

"Thank you friend! Di talaga ako makapaniwala, it's all just happening too fast." Sabi ni Fran.

"Sus! 15 years? Ilang years na ba? Anong too fast don! Dyosko I'm just too happy for you friend!" Masayang bulalas nito at totoo nga namang ramdam ni Fran ang kasiyahan ng kaibigan para sa kanya. Matapos ang ilan pang sandali nilang mag-usap magkaibigan ay napagpasyahan nilang ibaba na ang tawag at mag-usap nalang muli sa opisina.

Naisipan ni Fran na bumalik sa kama upang mahiga katabi ang asawa.

Maiintindihan naman ni Jam kung malalate ako, lalandi lang ako saglit this morning pilyang isip ni Fran.

Hindi parin makatulog si Francesca maski anong pagbalikwas ang gawin niya sa kama kung saan kasalukuyan niyang katabi ang natutulog na asawa.

"Hmmmm" Mahinang ungol ni Robb na ikinagulat ni Fran. Kasabay nito ay ang pagdantay ng kamay nito sa baywang niya.

Di naman napigilan ni Fran ang sarili at lalong inilapit ang sarili sa pagkakayakap ng asawa at sabay na nagsumiksik sa tabi nito.

Hindi ba talaga pinapatulog ni Lord ang mga taong sobrang saya? Eto ba kapalit ng lahat ng happiness ko today? Pagtataka niya sabay pilit na makatulog pero wala paring epekto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now