CHAPTER 19

1.2K 12 2
                                    

CHAPTER 19

 

“Just take it off Francesca.” Natatawang sabi ni Jeff kay Fran habang naglalakad sila papunta sa dock.

“Kasi naman kung di moko tinapunan ng slurpee. Edi sana di malagkit yung shorts and tshirt ko ngayon.” Pabirong galit ni Fran kay Jeff habang hila-hila nito ang kamay niya.

“Tanggalin mo nalang kasi. I’m sure you’re wearing your swimwear underneath that right?” Sabi ni Jeff na tumigil na sa paglalakad at tumayo sa harap niya.

“Yes but... I’ll look stupid compared sa mga babae dito.” Naisip kasi uli niya ang nangyari nang umagang iyon, it dragged her confidence and spirit down a notch.

“What? Stupid? Are you freaking kidding me? Francesca Abellar looking stupid? Adorable as hell possibly, gorgeous and stunning more likely but stupid? That’s impossible Fran.” Pagsasabi ni Jeff na halos lumuwa ang mata kay Fran nang sabihin nitong bka magmukha itong tanga ng nakaswimsuit lang.

“Jeff...”

“Okay para di ka mainsecure ako na unang magtatanggal ng shirt tutal pareho naman tayong malagkit ang tshirt dahil natapunan din ako ng slurpee remember?” Natatawang sabi ni Jeff na tinangunan lang ni Fran.

“Pan....” di na natuloy ni Fran ang sasabihin dahil halatang halatang naeenjoy ni Jeff ang pagka-amaze sa mga mata ni Francesca.

“Pan?” Ulit ni Jeff sa sinabi ni Fran.

“Pan! Peter Pan! Hahaha I love Peter Pan!” Natatawang palusot ni Francesca. Ang totoo kasi ay nagulat siya dahil maski alam niyang maganda ang katawan ni Jeff ay di niya inaasahang may abs din pala ito.

Dyosko po bat naguulanan po ng abs ngayong panahong ito? Una po iyong asawa kong masungit, ngayon naman etong mabait na may gusto sakin. Isip ni Fran sa sarili.

Halata namang di lang siya ang namangha sa katawan ng lalake dahil may iilan ding mga babaeng napapadaan na napapa-double take sa lalake dahil bukod sa maganda ang katawan nito ay makisig din naman ito.

He’s also handsome but not as handsome as Robb, well simply because Robb is in another level his own Robb level of handsome.

“Okay ikaw na. Your turn.” Sabi ni Jeff na nakaharap sa kanya na kung saan lang hinagis ang t-shirt na tinanggal nito.

“Anong ako? Wala kaya akong sinabing pag tinanggal mo yung shirt mo ay tatanggalin ko din itong akin. Saka sa katawan mong yan.. magmumukha akong achay mo.” Pagbibiro ni Fran sabay ng muli niyang paglalakad towards the dock where they were originally headed to bago siya nito kulitin at pahintuin.

“Hmmm.. Fair point. Pero ang lagkit mo na kadiri. Tignan mo hawakan mo yung balat mo na natapunan ng slurpee. Isipin mo sa mga pictures ganyan ba lilitaw yung ayos mo? Isipin mo yung slurpee na galing sa shirt mo pwedeng makalason sa mga isda!” Pagkakatwiran pa ng binata na sinabayan siya sa paglalakad.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon