Chapter 26

882 7 0
                                    

CHAPTER 26

 

"How's the married life?" Tanong ni Jamila kay Fran pagkapasok na pagkapasok nito sa loob opisina nila.

"Married life? Buti kung married!" Wala sa mood na sagot ni Fran dito.

"Nako Francesca naman kasi, I've told you time and time and time and timeeee again, kalimutan mo na yang si Robb, eh anong ginawa mo? Pinakasalan mo pa friend!" Pagsesermon ni Jamila sa kaibigan

"No, don't be negative friend! I can do this, I will do this!" Sabi ni Fran sabay upo sa swivel chair niya sa opisina.

"Okay okay, wala na naman akong choice kundi suportahan ka nalang. Ilang araw mo na bang pinupuntahan sa opisina at pinagdadala ng baon yang asawa mo? Hinarap ka na ba niya this time?" Tanong ni Jam sa kaibigan.

"One week palang naman Jam, saka alam ko namang busy siya kaya pinapaiwan niya nalang sa may sekretarya niya yung dinadala kong food." Pagsagot ni Fran dito.

"Eh nasabi mo na bas a kanya?" Tanong ni Jam kay Fran

"Uhm... Getting there" pasimpleng sagot ni Fran dahil alam niyang importante para kay Jam ang reunion nilang ito mismo ang nagorganize.

"Fran naman kasi ba't mo pa sinabi sa high school classmates natin na kasal ka na at isasama mo ang asawa mo sa reunion? Overnight yung reunion and I doubt Robb could make time for it lalo na sabi mo busy ang kompanya nila ngayon." Sabi ni Jamila habang nagaayos ng files sa desk nito.

"Jam if you heard them you would've done what I did! Yung mga babaeng yun yung may kasalanan! They were talking behind my back.. Kesyo iniisip nila na after all these years stalker parin ako ni Robb kaya di ako nag-asawa, na I never stood a chance and that I'm a little delusional!" Galit na sagot ni Fran dahil naalala niya parin ang nangyari.

Iilang araw lang kasi ang nakalipas nang nag-set si Jamila ng brunch with a few of their high school friends para mapagplanuhan ang darating na reunion nila. Naunang dumating si Francesca doon dahil si Jamila ay may kinailangang ayusin tungkol sa nalalapit na kasal nito. Pagdating niya doon ay di sinasadya na narinig niya ang usapan ng iilang babae na kaklase nila na siya pala ang tinutukoy. Sa sobrang inis ni Fran ay sumingit siya bigla sa usapan ng mga ito at sinabing huwag silang mag-alala dahil kasal na siya at isasama niya ang asawa niya sa trip, she even suggested that everyone take their husbands with them to make it more fun.

"But there may be a solution to your problem!" biglang sabi ni Jamila na nakapagpabalik sa ulirat ni Fran sa kasalukuyan.

"And that is?" Pagtatanong niya rito.

"You never told them who your husband was, right?" Jamila asked with a weird glint in her eye.

"Yup, kasi gusto kong mabigla silang lahat pagdating ko don at si Robb ang Makita nilang asawa ko...na kasal na kami." Sabi niya sa mahinang tinig dahil sa ngayon, she can't see that happening at all. Ang pinakamalapit sa katotohanan na mangyari ay dumating siyang mag-isa at pagtawanan siya dahil makukumpirma ng mga babaeng iyon na delusional nga siya.

"Well here's the answer to your problem." Sabi ni Jamila sabay lakad papunta sa mesa niya at lapag ng calling card ni Jeff.

Weirdong tinignan ni Fran si Jamila na para bang wala sa katinuan ito.

"What am I supposed to do with that? Give Jeff's calling card to them para i-confirm ni Jeff na kasal ako sa pinsan niya?" Sabi ni Fran habang bahagyang natatawa ssa ideya.

"Nako girl, hindi! Malamang mas di sila maniniwala. Di naman nila kilala si Jeff since he's not from our school." Sabi nito habang umiiling.

"Then what?"

"You ask Jeff to be your fill-in husband!" Nakangiting sabi ni Jamila sa kanya na para bang ito ang pinakalohikal na ideyang naisip nito sa buong buhay nito.

"No Jamila, that's too rude. Alam kong nagustohan ako ni Jeff and baka nga hanggang ngayon gusto niya parin ako kahit papaano pero I can never ask him to do that." Sabi ni Fran. Kahit papaano ay naging magkaibigan na rin naman sila ni Jeff within a few weeks and ayaw niyang gamitin ito sa ganong paraan.

"Well girl if you don't like my idea, you better beg your husband to go with you kung ayaw mong pagtawanan ka nila. Pero kung di mo man siya mapilit, wag kang magalala sasabunutan ko yang mga bruhang tatawa o aaway sa'yo sa reunion." Sabi ni Jamila sabay kindat sa kanya at nagpatuloy na itong bumalik sa desk nito at nagtrabaho na sila uli dalawa.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon