CHAPTER 14

1.2K 10 0
                                    

CHAPTER 14

“So you don’t love me?” Pagtatanong ni Robb kay Francesca habang nakaupo sila sa private plane na magdadala sa kanila sa Boracay kung saan nakatakda silang maghoneymoon.

Napagpasyahang sa Boracay nalang muna sila maghohoneymoon dahil marami rin silang kanya-kanyang naiwan na trabaho at hindi nila maaaring ipagpaliban ang paggawa sa mga ito dahil sa nalalapit na board meeting ni Robb at sa nalalapit na kasal ng kliyente ni Fran.

Noong una ay nagpupumilit ang lola ni Robb na magbakasyon daw umano sa Europe o kung saan mang malayong lugar ang dalawa para sa honeymoon nila ngunit nakumbinsi din inla ito sa huli na ipagpapaliban muna nila iyon at sa Boracay muna mag-cecelebrate sa ngayon.

“I already told you a thousand times! No!” Pagmamatigas ni Fran na sagot sa asawa. Ngingiti-ngiting pinagmasdan lang siya ni Robb at di na nag-salita pa uli.

Ba’t ba naman kasi sobrang pinahalata mong nadismaya ka na di ka niya hinalikan? Bakit kasi masyado mong fineel yung wedding vows! Nako naman mabubuko ka nanaman ano ba naman yan! Isip ni Fran sa sarili.

“I’m going to sleep, gisingin mo nalang ako pag nagland na ha? Baka iwan mo ko dito papatayin talaga kita!” Pagbabanta ni Fran sa binata at natulog na nga siya ng marinig nihya ang pag-oo nito sa kanya.

“Fran, wake up” sinundot sundot ni Robb ang pisngi ng asawa niya, gabi na kasi silang nakarating sa Boracay dahil hapon na silang umalis sa Manila.

Hanggang ngayon ay di makapaniwala si Robb na nagawa niyang pakasalan ang babae dahil sa kagustuhan niyang maging CEO ng kompanya nila.

Gigisingin na sana uli niya ang asawa ng bigla itong nagsalita, “I do”, mahina nitong sabi. Natawa siya ng kaunti dahil maski sa pag-tulog nito ay ang kasal parin nila ang napapanaginipan ng asawa niya.

It’s really weird to refer to her as my wife. Isip ni Robb sa sarili. Di din niya maiwasang maisip ang vows na sinabi ng dalaga sa kasal nila ng umagang iyon.

Hindi niya alam ang dahilan kung bakit may kakaiba siyang naramdaman habang pinapakinggan ang mga salitang binigkas ng dalaga.

Maybe you were pissed because she didn’t use the vows that you gave her? Bulong ng isang bahagi ng isipan niya. But he’s pretty sure na hindi inis ang naramdaman niya sa mga salitang binitawan ni Fran.

Nakatingin lang siya sa mapayapang mukha ng asawa habang natutulog ito halatang napagod ito ngunit napaka-serene at ganda parin nito.

Maybe you’re falling in love? Bulong ng isang sulok ng isip niya.

Impossible. Natatawang isip niya sa sarili. In-love? Siya? Impossible.

Natatawa si Robb sa sarili sa mga ideyang pumapasok sa isip niya ng biglang napabalikwas at nagising bigla ang asawa niya.

“Robb? Robb? Robb!” Tarantang hanap ni Fran sa harap na upuan ng plane ng bigla siyang makarinig ng pagtawa.

“I’m here dumbo.” Natatawang sabi ni Robb na nakatayo pala sa gilid ng upuan niya.

“You missed me that much? Maski sa pag-tulog namimiss mo ko my dear wife?” Natatawang sabi sa kanya ng asawa.

“ha? Kapal mo kahit kailan! Akala ko talagang iniwan mo ko sa airplane! Sus as if mapapanaginipan kita? Si Tom Cruise napanaginipan ko no?” Pagkakaila ni Fran kahit totoo namang napanaginipan niya ang asawa niya at pasimpleng punas sa bibig baka may tulo laway kahiya naman sa asawa ko, isip niya sa sarili niya.

“Okay, whatever you say. Let’s get going. We’re here” Sabi ni Robb at tinalikuran na siya para bumaba na plane na sinasakyan nila.

Tahimik na sinundan niya si Robb pababa dahil nauna na di umanong ibaba at dalhin sa hotel resort ng mga Villaruiz ang mga gamit nila.

Pagdating na pagdating nila sa resort ay di maitago ni Fran ang excitement dahil first time niya na makapunta sa Boracay at kasama pa ang man of her dreams nonetheless, well man-of-her-dreams turned husband niya. At mas ikinatuwa pa niya na ang inihanda pala nila Gram para sa kanilang dalawa ay ang all-out-honeymoon package ng resort ng mga ito.

“Why did they have to go to this extent?” Iritang sabi ni Robb pagkapasok na pagkapasok nila ng honeymoon suite nila.

Nalaman kasi nilang bukod sa suite at naghanda din ng honeymoon activities ang lola ni Robb na kailangan nilang gawin bago matapos ang honeymoon period nila. Ikinainis ito ni Robb dahil plano pala nito ay magtrabaho lang ng magtrabaho sa buong stay nila sa Boracay. Habang ikinatuwa naman ni Fran ang ginawa ng lola ni Robb at halos lumagpas sa tenga ang ngiti niya ng malaman niya ang plano nito.

“Don’t be such a downer Robb. Isip kasi nila ay nagmamahalan talaga tayo at honeymoon naman ito kaya siguro pinlano ni gram lahat ng ito.” Sabi niya sa asawa sa mahinahon pero mapanuksong tinig.

“I won’t do any of those things with you. I need to get my work done so you can do all of them all by yourself if you really want to do them.” Naiinis na sagot sa kanya ng binata sabay labas ng suite nila.

Pero honeymoon natin ito. Pwede bang maghoneymoon ng mag-isa?! Inis na inis na isip ni Fran sa sarili sabay pabagsak na higa sa kama.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now