CHAPTER 16

1.2K 10 0
                                    

CHAPTER 16

 

“Wake up hubby!!!!” Pilit na gising ni Fran kay Robb kinaumagahan ng honeymoon nila.

Ikinagulat pa ni Fran na naisipang matulog nito sa sala, Aba’t gentleman din pala paminsan-minsan! Iinisin mo ko tapos papa-fall nanaman jusko litong lito nako sa’yo kung di lang kita mahal! Isip ni Fran sa sarili.

Bahagya lang na umungol at patuloy na natulog ang lalaki sabay pahig sa sofa, halatang-halatang nahihirapan ito sa posisyon dahil bukod sa napakatangkad nito ay talagang maliit din ang sofa para gawing higaan na nasa suite nila.

“Uy gising na kasi breakfast na tayo!” Ulit pa ni Fran pero wala paring talab sa natutulog na asawa niya.

“Gising naaaaaaa” Pakanta pang gising uli niya pero parang bato kung matulog ang asawa niyang di man lang natinag sa pagkakahiga.

Tinapik-tapik ni Francesca ang pisngi ng natutulog na si Robb at tuwang-tuwa siya dahil sobrang kinis nito.

Ano bang facial wash mo? Napakakinis! Alagang Silka? Isip ni Fran habang hinahaplos ang pisngi ng asawa ng bigla itong napangiti na ikinalitaw ng malalim nitong dimples ngunit patuloy pa rin sa pagtulog.

“Aba’t nasarapan ka pa sa paghawak ko sa pisngi mo?” Tuwang-tuwang sabi ni Fran na hindi parin ikinagising ng asawa.

Ang pogi pogi pogi mo talaga! Kaya lang sobrang sungit! Tapos tignan mo asan yung pores mo? Ilabas mo asan? Sabi niya sa isip niya sabay pisil sa pisngi ng asawa.

 

Ang haba ng pilik mata mo! Pwede kong walisin itong buong hotel gamit yan. Natatawa pang isip ni Fran sa sarili.

At saka yang dimples mo! Dyosko pwede ata akong magluto ng soup sa lalim niyan buti naging lalaki ka kasi kung naging babae ka isa ka nanaman sa libo-libong babaeng kakaingitan ko ang ganda. Tuwang-tuwa na isip ni Fran sa sarili habang sinusundot sundot ang malalim na dimples ng asawa na parang di man lang natinag sa pagkakatulog.

Kung hahalikan ko ba kita magbabayad pa ako ng five hundred thousand? What you don’t know won’t kill you naman? Right? Right? Pagbabalak ni Fran habang lumuluhod sa tabi ng sofa at unti-unting nilalapit ang mukha sa natutulog na asawa.

Isa lang naman! Saka kasal na tayo wala namang masama di ba? Isa lang patikim lang dyan sa lips mo hehehe. Isip ni Fran habang palapit na ng palapit sa mukha ng lalake sabay hawak sa sofa.

Dyosko sorry po. Minsan lang ako mag-manyak na ganito. Saka ka-manyak manyak naman po talaga. Asawa ko na naman po siya. Lord patawad! Isa lang po talaga at maiiraraos ko na itong buong honeymoon basta maka-isa lang ako sa kanya. Isip ni Fran sabay pikit ng mata at lapit ng mukha sa lalake.

This is it! Wohoooo.

 

5.. Pag-countdown pa niya sa isip niya habang nakapikit at palapit na ng palapit sa mukha ng asawa.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now