CHAPTER 8

1.8K 24 9
                                    

CHAPTER 8

 

First time niya akong tinawag sa pangalan ko… ang it sounded so good. Yun lang ang naiisip ni Fran habang nakatitig sa kanya si Robb.

        

         Wala siyang pakialam sa galit nito dahil sobrang saya ng nararamdaman niya. Napakababaw pero ang sarap parin na marinig na sabihin niya yung pangalan ko isip ni Fran sa sarili maski ayaw niyang tinatawag siya sa buong pangalan dahil parang ang tanda ng tunog nito ay iba naman ang kaso kung si Robb na ang tatawag sa kanya.

         “Francesca!”

         “Ay kabayo..Ano ulit” Gulat na tanong niya dahil nagumpisa na naman siyang magdaydream.   

        

         “What did you do? My gram called me to bug me about asking you to marry me! How did they even know you? At sinabi mong girlfriend kita! You seriously need help, woman!” tuloy tuloy na sabi nito. Ngayon lang niya ulit nakita nang ganito kagalit ito mula nang matalo ito sa basketball game.

         Hindi na naligalig si Fran maski galit na galit si Robb dahil lahat naman ay umaayon sa plano niya at mas magaling pa nga dahil di naman niya pinlanong magpakilala sa pamilya ng lalake.

         “Hah? Inassume lang nila yon, si Ara ang nagsabing girlfriend mo ko at hindi ako and I didn’t go there to talk to them about you, I went there because I’m the one planning the wedding of Aila, your cousin.” Sabi niya sabay ngiti.

         “Inassume nila at hindi mo sinabing hindi totoo?” Sabi nito na parang di makapaniwala.

         “Nakalimutan ko lang atang sabihin? Di ko maalala medyo rusty ang memory ko this days eh” Sabi niya na kunyari ay painosente pa.

         “Ugh you are so infuriating!” sabi nito at tumalikod na at pabalik na sa bahay nito.

         “Goodnight love! Dream about me okay?” Sabi niya dito na nilingon naman siya nito at flying kiss niya ito at kinindatan.

         Hindi makatulog sa sobrang inis si Robb nang gabing iyon. Naisahan nanaman siya ng babaeng iyon at naiirita na talaga siya. Actually di naman siya naiirita dati dito pero after nilang matalo sa game nuong college dahil dito ay nagumpisa na siyang mainis dito.

         Nagiisip siya ng paraan para makaganti o mapalayo dito nang biglang nagring ang cellphone niya.

         “hello” sabi niya habang nagtataka kung sino ang tumatawag na unknown caller id pa dahil landline ata ang gamit.

         “Roberto! Naisip kong magfafamily dinner tayo bukas isama mo si Fran at wag kang tatanggi sa akin marami kang atraso sa akin na bata ka.” Sabi ng lola ni Robb. Naisip niyang eto nanaman at kukulitin nanaman siya nito tungkol sa babaeng kanina pa niya kinaiinisan.

         “Gram for the last time, she’s not my girlfriend” paliwanag niya sa controlled na boses.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Kde žijí příběhy. Začni objevovat