CHAPTER 15

1.1K 11 5
                                    

CHAPTER 15

 

“Sinabi na ngang honeymoon tapos sasabihin niya ako mag-isa? Baka nga honeymoon yun!” Iritang iritang kausap ni Fran ang sarili habang naglalakad lakad sa tabing dagat pagkatapos niyang magdinner ng mag-isa. Pagbalik kasi ni Robb sa suite nila ay sinabi nitong kumain na daw ito at huwag daw siya nitong istorbohin at magtatrabaho na siya.

“Hindi man lang ako sinabayang mag-dinner! Oo alam kong kunyari lang pero sana man lang di ba? Pakitang tao? Kasal kami, legal yung kasal! Arghhhh kung hindi lang bawal ang mag-nag jusko po!” Ginulo gulo pa ni Fran ang buhok niya sa sobrang inis niya.

“Dyosko kung di lang talaga kita mahal! Argggg” sabi ni Fran habang sinisipa sipa ang buhangin sa harap niya.

“Woah there. Trouble in paradise?” Sabi ng pamilyar na boses sa likod ni Fran. Pagkalingon niya ay gulat na gulat siya ng makita si Jeff na ngingiti-ngiti pa sa kanya.

“Jeff? JEFF! What are you doing here? Matagal kana ba dyan? Anong narinig mo?” Nataranta si Fran dahil kung narinig nito ang tungkol sa pagkukunyari ay siguradong patay sila pareho ni Robb sa kanya-kanyang pamilya nila.

“Not too long. Narinig ko lang ang kung di mo lang talaga siya mahal? I’m assuming Robb? I’d like you to refer to me but that’s impossible isn’t it?” Natatawang sabi ng binata.

Nakahinga ng malalim si Fran pagkarinig niya sa sinabi nito.

“Jeff kasal na ako. You’re a good guy.. no a great guy. You’ll find a girl for you someday.” Sabi ni Fran habang tinitignan ang binata.

Umiling ang binata at nginitian si Fran, “Maghihiwalay din kayo!” Natatawang biro nito.

“Bitter kuya ha? Hahahaha tigilan mo nga ako. Ba’t ka ba andito?” Sabi ni Fran at pinagpatuloy ang paglalakad na sinabayan naman ng binata.

“Business matters.” Simpleng sagot nito sa kanya bago siya tanungin nito kung bakit siya mag-isang naglalakad sa tabing-dagat sa gabi ng honeymoon nito.

Gumawa nalang ng excuse si Fran at sinabing pagod na sila ng asawa at napagpasyahang bukas nalang sila lilibot sa isla at magpapahinga muna ngayong gabi na parang pinaniwalaan naman ni Jeff.

“Well then, kung sakaling mag-away kayo or if you ever need company here in Boracay I’m just a text away.” Sabi ni Jeff nang nasa harap na sila ng resort.

“Yes Jeff. Thanks for walking me back.” Nakangiting sagot ni Fran.

“Walking you back? I also stay here” Sabi ni Jeff sabay tawa.

“Sus if I know gusto mo lang akong makasama ng mas matagal.” Ganting pagloloko naman ni Fran sa binata. Sa iilang beses kasi na paglabas labas nila bago pa sila muling magkita ni Robb ay nakapalagayan niya na ng loob si Jeff. Hindi naman pala ito kasing yabang ng iniisip niya dito at talagang sobrang bait at gusto nito sa kanya.

“Okay okay tama ka. But Fran, im serious. Just text me okay?” Seryosong sabi nito sa kanya habang hawak ang mga palad niya. Wala naman siyang alam na isagot sa binata kaya tinanguan nalang niya at tinalikuran na ito pagkatapos.

Pagkapasok na pagkapasok ni Fran sa suite nila ay nakita niyang nakaupo si Rob sa may desk at nakatutok parin ang mga mata sa laptop nito habang may kung anong binabasa.

“So di mo talaga ako sasahan bukas?” Pinilit ni Fran na tanggalin ang kung ano mang pagkadismaya sa boses niya.

“I already told you I’m not going.” Sagot ng asawa niya na di man lang tinanggal sa laptop ang mga mata.

“But it’s my first time here in Boracay. Kala ko sasamahan mo ko. Mag-asawa naman tayo maski sa papel lang.” Sabi ni Fran na di na napigilang marinig ang lungkot sa boses.

Nang hindi siya sagutin ni Robb ay pinili niya nalang na matulog na. Hindi na niya pinagkaabalahang isipin kung saan matutulog si Robb.

Bahala na siya kung saan siya matutulog ieenjoy ko nalang ang trip na ito at iisiping vacation ko to away from work sabi ni Fran sa sarili bago tuluyang makatulog.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now