CHAPTER 51

490 9 2
                                    




         

CHAPTER 51

Author's note:

This update is dedicated to my ever supportive best friend na sinabihan akong idedelete niya na daw yung story ko sa library niya dahil di naman daw na-uupdate... =)) Hi NALA! Eto na update for you <3

BTW kung napansin niyo... kung napansin niyo lang naman.. mahilig akong mag-flashback sa stories ko hahaha fun eh. Soooo this chapter has a flashback din. Enjoy ;)

-RB

"Why didn't you tell me?" sabi ni Robb na para bang di alam kung paano hihingi ng tawad ang tinig.

"Thing of the past naman na yun. Ang importante yung now di ba?" Sagot ni Fran sabay tingin sa labas ng sasakyan. Kasalukuyan silang pauwi na galing sa munting kainan at handaan ng dating basketball coach ni Robb.

"But still..." Sabi ni Robb na maski di niya tignan ay ramdam niya ay nakatingin sa kanya.

Pinilit naman ni Fran na wag balingan ng tingin ito, ayaw niya kasing makita nito na kahit papaano ay may sakit parin siyang naramdaman sa mga pangyayari.

Kala ko ba over kana dun! Tama na yan drama drama na yan.. Tagal na nun. May kasalanan ka din naman eh. Pilit ni Fran na pigilin ang pagdadamdam.

"Sus wag na yan tama na yang talks of sadness!" Pinasaya ni Fran ang boses at sinabi ito sa asawa. Ayaw na kasi niyang pag-usapan, siya kasi yung tipo ng tao na lalong pinapatahan ay lalo namang naiiyak.

"Fran.." Sabi muli ni Robb sa kanya sabay hawak sa kamay niya.

"Robb..." Napatingin na sabi niya dito. Pinilit niyang ngumiti dito maski alam niyang halata nito na may sakit parin sa tinig niya.

"Enough na okay? Tapos na yun.." Paninigurado niya sa asawa. Sabay adjust ng upuan ng passenger seat.

"But.." Pisil nito sa kamay niya.

"But nothing okay? Okay lang bang matulog muna? Medyo na-drain din energy ko. Ang lakas parin palang makipagkwentuhan ni coach eh." Sabi ni Fran adding finality to her tone bago nagpikit ng mata. Totoo din naman kasing pagod na pagod siya nang araw na iyon.

"Okay.. I'll wake you up when we get home." Sabi nito sabay bitaw sa kamay niya maski alam niyang hindi pa kuntento ito sa sagot niya.

FLASHBACK

"Robb!" Tuwang bati ng matanda na sumalubong sa kanilang mag-asawa. Bago pa man siya tignan nito ay nakilala na ni Francesca ito bilang dating basketball coach nila Robb.

Maski papaano ay magkakilala sila dahil ito umano ang tumawag sa janitor upang buhatin siya papunta sa clinic nang himatayin siya. Dagdag pa dito ay kinausap din siya nito pagkatapos ng game.

"Francesca?" Napabaling sa kanya ang matanda at ngumiti ng maluwag bago siya niyakap na siya namang ginantihan niya.

"Coach! Poging-pogi parin po ah. Di po kayo tumatanda!" Masayang sabi niya dito matapos itong lumayo ng bahagya mula sa pagkakayakap sa kanya.

"Syempre naman! Kalabaw lang ang tumatanda ano? At ikaw..." Sabi nito ngunit biglang napatigil at napatingin sa kanilang mag-asawa.

"No.. don't tell me kayong dalawa din ang nagkatuluyan?" Tuwang sabi nito na parang di makapaniwala.

"Yes coach! Sabi ko na po sa inyo di ba?" Sagot ni Fran in a proud voice.

"Hah! And I thought you gave up." Sabi naman ng matanda na bahagyang natawa.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon