CHAPTER 35

909 10 6
                                    

CHAPTER 35

"Francesca, I need to talk to you." Seryosong sabi ni Jeff.

"What do you mean? Eh magkausap na tayo? Ano pang talk ang gusto mo?" Pagbibiro ni Fran dahil kahit papaano ay nakaramdam siya ng pagkailang matapos ang naging paguusap nila ni Jamila iilang minuto pa lang ang nakakalipas.

"I need to hang-up now but i'll call you as soon as I can. We need to talk." Sabi nito at bago pa narinig ang sasabihin ni Fran ay binaba na nito ang telepono. Ikinagulat ito ni Francesca dahil alam niyang gentlemen si Jeff at hindi nito gawain ang babaan siya ng telepono kahit na kailan mang nagkausap sila, kahit noon pa mang inakala niyang mayabang ito ay hindi nito nagawang babaan siya o putulan siya ng linya.

"Oh ano daw girl?" Pag-uusisa ni Jamila

"Di ko alam. He said na we need to talk daw tapos binabaan ako... parang seryoso? Baka na-feel niya ang binabalak ko na pagtulong sa kanya para makamove on at siya na mismo tatapos ng friendship namin?" Pagtataka ni Fran.

"Impossible." Simpleng sabi lang ni Jam bilang sagot sa kanya.

Bago pa makasagot si Fran ay muli na ngang nag-ring ang cellphone niya at sinagot niya ito ng hindi na tinitignan kung sino man ang tumatawag.

"Is it something serious Jeff? Sasabihin mong let's talk tapos ibababa mo, medyo okay ka lang kuya?" Pagbibiro niya.

"It's not Jeff." Biglang seryosong sabi ng boses ni Robb sa kabilang linya na sobrang ikinagulat ni Fran kaya muntikan na niyang mabitawan ang cellphone niya.

"Robb! My honey love so sweet! Wag kang magselos please, you know you're my number 1 and only number. Namiss mo na ba ako?" Natatawang sabi niya maski kinakabahan siya dahil baka magalit nanaman ito sa kanya.

"If I had only known you'd be this persistent... you're a hundred times worst than before" sabi nito sa kabilang linya.

"No going back on your word though... sabi mo not to give up.. not to stop di ba! I'm only following your orders boss." Sabi niya dito at nakita naman niya sa gilid niyang umikot ang mata ni Jamila na para bang di makapaniwala sa naririnig.

"What time would your work be over?" Pagiiba ni Robb sa usapan na di nakawala sa pansin ni Fran.

"Hmmm. We've been married for two months at di mo pa rin alam?" Di makapaniwalang sagot niya dito.

"Hmm hmm." Pagsang-ayon lang ni Robb na para bang wala lang para sa kanya at hindi big deal na hindi niya alam ang maliliit na bagay tulad nito.

"I'm so brokenhearted right now!" Madramang sagot niya dito dahil totoo namang nasaktan siya na di nito alam ang ganito kasimpleng bagay pero tanggap niya naman na ganito na ang asawa, ang importante para sa kanya ay kung bakit nito tinatanong ito ngayon.

"But anyway... ba't mo natanong? Do you care? Care like carebears?" Pagbibiro niya pa dito na ikinasamid naman ni Jamila na kasalukuyang umiinom ng tubig sa gilid niya.

"What?" Bahagyang naiiritang sagot ni Robb sa kanya kaya naman napapasyahan ni Fran na bawasan na ang pangungulit dito at sagutin na ito ng maayos.

"I get off at six." Seryosong sabi niya at bago pa siya makaramdam ng hiya ay nagsalita uli siya, "Sunduin mo ko?" Paglalambing pa niya dito.

"I'll be there at six, be ready by then. We're having dinner." Seryosong sabi nito.

"What! Date? Dinner date! Ngayon na... maski 3pm palang tayo na't magdinner! Maiintindihan naman nila, bagong kasal naman ako... ngayon lang naman ako magsslack off sa work. Tayo na't mag date!" Di makapaniwalang sabi niya rito.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon