CHAPTER 44

745 13 6
                                    

CHAPTER 44



"Morningggg" Pabulong bati ni Francesca sa asawa na kasalukuyan paring natutulog ng mahimbing. Mas nauna kasi siyang nagising kaysa kay Robb dahil narin siguro sa naubos ang lakas enerhiya nito sa pagda-drive ng buong araw.


Huling araw na ng bakasyon nila at kinabukasan ay kakailanganin na nilang bumalik sa Maynila at sa mga trabahong naiwan nila doon. Sa nakalipas na ilang araw ay talagang sinulit ni Francesca and bawat minuto at segundong kasama si Robb.


Napansin niya na sa loob ng iilang araw nilang magkasama ay talagang hindi ito gumawa ng kahit na anumang paraan para makatawag sa trabaho o makipagusap sa mga tao mula sa opisina.


Pakiramdam ni Fran na ito ang totoong honeymoon nilang mag-asawa dahil di tulad ng nauna nilang honeymoon ay mas close na silang dalawa ngayon. Nag-aaway parin sila pero tungkol nalang sa maliliit at nakakatuwang bagay.


Napansin din niya na hindi na ganoon kalamig ang trato sa kanya ni Robb, kung tutuusin ay naging maalaga ito sa kanya kahit na papaano.


Sa tuwing niyayakap niya ito ay di nito agad tinatanggal ang pagkayakap niya, sa tuwing inihihilig niya ang ulo sa balikat nito ay pinapabayaan lamang siya nito.


Nakailang araw lang pala eh bibigay ka din.


Natutuwang isip ni Francesca sa sarili habang tinitignan ang natutulog na asawa na sa kasalukuyan ay nakapihig sa kanya at nakayakap ang isang braso sa beywang niya.


Hayyy buti nalang talaga at isa lang ang kama dito at walang sofa kundi baka naginarte ka nanaman, tignan mo nga yang tulog mo ang himbing thanks to me!


Isip uli ni Fran at ginantihan ang yakap ng asawa as nagsumiksik pa ng palapit dito kaya naman magkayakap na sila ngayon at nakaharap sa isa't isa.


Pinagmasdan ni Fran ang mukha ng natutulog na asawa at hindi niya mapigilang kiligin at mapangiti dahil pakiramdam niya ay unti-unti na din itong nahuhulog para sa kanya.


Assume ka nanaman! Alam mo kung san mapupunta yang paga-assume na yan!


Negatibong sigaw ng isip niya pero mas pinili niya nalang na wag itong pansinin dahil ayaw niya ng kahit na anong negativity sa bakasyon nilang dalawa.


"Fran...." Mahinang unggol ni Robb na ikinagulat naman ni Fran.


"Yes?" Mahinang sagot niya dito para di ito magising kung sakali mang nananaginip lang ito.


"Don't snuggle so close to me, I might just attack you right here. Are you ready for this?" Mas klaro na ang boses nito sa pagsasalita ngunit bakas parin ang antok sa tinig nito, senyales na gising na nga ito at hindi na nananaginip.


Natuwa naman si Fran sa ideyang sinabi ng asawa dahil ilang araw man silang natutulog na sa iisang kama ay wala parin naming nangyayari sa kanila.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now