CHAPTER 37

933 17 9
                                    


CHAPTER 37



"No, I can't do that." Simpleng sabi ni Robb sa lola nito na sa kasalukuyan ay nasa opisina niya. Bigla nalang dumating ang matanda at wala naman siyang magawa kundi pakiharapan ito dati hindi din naman ito mapigil ng mga sekretarya na guluhin siya o pasukin sa loob ng opisina.

"You can and you will. Ang tanda mo na di mo parin alam na kahit papaano ka pa makipagtalo sa'kin ay pagbibigyan mo din naman ako sa huli." Sabi nito matapos uminom ng konti mula sa tasa ng kape na hawak nito.

"But Grams... I have loads of work to accomplish, I can't just slack off and take a three-day vacation just because you want me to impregnate my wife... We don't plan on having kids." Paliwanag niya sa lola niya na ngayon ay nangungulit sa kanya para magbakasyon, para daw mas mapabilis ang pagkakaroon nito ng apo sa tuhod.

"Anong not planning on having kids! Nako Roberto, isang beses mo pa sabihin yan talagang tatamaan ka saking bata ka!" Galit na sabi nito habang nakatingin ng masama sa kanya.

"Grams... but I don't really.. i mean we don't really plan on having.." Naputol ang sasabihin niya dahil biglang tumayo ang matanda at umaktong papaluin talaga siya nito. Hindi na din niya sinubukan pang ituloy ang mga salita dahil alam niyang seseryosohin ng matanda ang banta nito sa kanya.

"Ay naku! Tama na yan! I talked to your dad at pumayag siya, siya muna ang papasok dito sa opisina mo for three days tutal trabaho naman niya talaga ito."

"As if... I don't believe you talked to him, maybe threatened is the right word for it." Pabulong na sabi niya sa lola niya.

"Anong binubulong bulong mo dyan? Ang tanda mo na lakasan mo nga yang boses mo nako kung andito lang ang lolo mo nako talaga kang bata ka."

"I'm not a kid anymore grams.. please enough with this talk already, i need to work." Mahinahon niyang sabi dito dahil alam niyang sa oras na tumaas ng kaunti ang boses niya ay sesermonan nanaman siya nito.

"Yes, di ka na bata... pwede ka nang gumawa ng sarili mong bata hehe. Kaya get to work, have a child" Tumatawang sabi nito sa kanya.

"Grams I can't believe you just said that!" Nabiglang sabi niya rito.

"Eh totoo naman. Roberto pag ikaw hindi ka nagbakasyon ng tatlong araw, di mo makukuha ang boto namin ng dad mo sa dadating na shareholders meeting." Pagbabanta nito.

"What! What is this? This is extreme blackmail grams and you know it." Hindi siya makapaniwala na i-bablackmail nanaman siya ng lola at ama niya. Nauna ay ang pagtutulak ng mga ito sa kanyang magpakasal, ngayon naman ay magka-anak.

"Aba't talagang extreme! Kung kailan kayo kinasal dun kayo nabawasan ng pagkasweet niyang asawa mo!" Sabi nito at sabay acting pa na kunyari ay nagsisikip ang dibdib.

"You ask me to get married, I did.. and now you're asking me to have kids! This is ridiculous even for you guys." sagot niya dito ng hindi pinapansin ang sinabi nito tungkol sa pagiging sweet nila ni Fran.

Sa kasalukuyan kasi ay kung ano-ano na ang ginagawa ni Fran at sinasabi sa kanya na pakiramdam niya ay para bang nagbalik silang dalawa sa college days nila kung saan hinahabol siya nito at walang tigil ang pagtatapat nito ng pag-ibig sa kanya. Iba naman sa naramdaman niya nung college, ngayon ay natatawa siya sa mga ginagawa nito at di siya nakakaramdam ng pagka-inis.

Maybe you're just getting used to it, yan nalang ang iniisip niya sa biglang pag-iiba ng reaksyon niya dito.

Hindi niya alam kung ano din ba ang nagtulak sa kanya na sabihin ang mga sinabi niya dito nang nasa reunion sila nito. Ba't hindi niya ito pinatigil sa pagsuko sa pagmamahal sa kanya? Ang naiisip niyang dahilan ay nadala lang siya sa emosyon nito at dahil na rin sa sobrang pagkataranta at pag-aalalang naramdaman niya sa panahon na nawawala ito kaya naman di siya nakapagisip ng matino.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now