Chapter 32

875 13 16
                                    


"Dyosko po asan na ba'ko? Asang lupalop na ba to? Pilipinas pa ba to" Maiyak-iyak na monologue ni Fran. Kasalukuyan kasi siyang mag-isa't nawawala.

"Ba't kasi napaka-absent minded mo Francesca! Ugh! JEFF! JEFF! ROBB MY LOVES! ROB!!! " Pagsigaw niya, nagbabakasakaling may malapit na kung sino man sa kanilang dalawa sa kinaroroonan niya.

Magmula kasi nang magumpisa ang laro nila kung saan kapareha niya si Jeff ay di niya masyadong napagtuunan ng pansin ang lugar dahil lumulutang ang isip niya kay Robb at sa mga nangyari nang araw na iyon. Sa kakaisip niya, di na niya napakinggan ang mga sinasabi ni Jeff, di na niya na rin napansin na naliligaw na pala siya at wala nang kasama.

"Maybe i'll live as a hermit.... Mamumundok nalang ako dito forever, maski walang forever... Aldub nalang ang may forever" Naiiyak na sabi niya pero natatawa din siya ng kaunti dahil feeling niya teenager siya na kinikilig sa napanood niyang bagong tambalan.

"Buti pa Aldub may forever... RoFran? FraRob? kaya wala? Ang forever nalang ata eh yung pag-ibig ko na ayaw suklian ni Robb." Padabog na sabi niya uli maski alam niya na sarili niya lang kausap niya. Natawa din siya dahil wala siyang maisip na magandang loveteam name nila ng asawa.

"Hay nako Fran, naliligaw ka na nga kung ano-ano pang iniisip mo." Patuloy na pagkausap niya sa sarili niya habang patuloy na naglalakad sa di niya malaman kung saan.

"Robb! Robb my husband love so sweet!" Sigaw niya sabay tawa ng kaunti dahil malayong-malayo sa katotohanan ang sinisigaw niya at alam niyang nasasabi niya lang ang mga ito dahil pakiramdam niya ay wala din namang makakarinig.

"Must. Keep. Walking...." Hingal-hingal na sabi ni Fran pagkatapos ang ilang minuto ng paglalakad na pakiramdam naman niya ay iilang oras na.

Dahil sa pagod, hindi napansin ni Fran ang ugat ng puno na nakausli sa kanyang dadaanan kaya naman bago pa niya malaman ang nangyayari ay nakadapa na siya at nakadikit sa lupa. Ilang beses niyang sinubukang tumayo sa pagkakadapa at maglakad uli ngunit di niya magawa dahil sa sobrang sakit ng paa niya na para bang may na-twist na kung ano nang mahulog siya. Matapos ang ilan pang subok ay para bang nawalan na siya ng pag-asa at napagpasyahan niyang sumandal nalang sa may malaking bato na nalalapit kung nasaan siya at maghintay.

"Siguro naman mapapansin nila na nawawala ako... Siguro naman si Robb or atleast si Jeff." Walang siglang sabi niya sa sarili.

Lumipas ang ilang segundo, minuto, oras at dumidilim na.

Grrrrr... Narinig ni Fran ang tyan niya na tumunog dahil sa sobrang gutom at para bang yun nalang ang maingay na bagay na pumapalibot sa kanya.

"Ano kaya kung may dumating na wild animal dito? Kailangan ko siyang matalo para may makain ako! Mukhang magtatagal pa ako dito e." Natatawang sabi niya habang sinusubukang kumapa ng maliit na bato dahil kung magkataon man na mangyari ang iniisip niya ay tototohanin naman niya ito.

"Jeff! Robb! Jeff! Robb!!!!!" Sigaw niya uli sa paos na boses dahil sa pagod at uhaw na rin ngunit patuloy parin siya pagbabaka sakaling hinahanap na siya ng mga ito.

Bigla nalang pumasok sa isip niya sila Maddie at Robb.

"Ano na kayang ginagawa nila? Hinahanap kaya ako ni Robb? Sana hindi na nakalingkis na parang ahas si Maddie sa asawa ko o baka mas masaya pa si Robb na si Maddie kasama niya kaya di niya ako napapansin na nawawala."

Sa mga oras na iyon, para bang nagflashback kay Fran ang mga nangyari sa araw na iyon, kung paano si Jeff ang naroon para tumulong sa kanya pag kailangan niya ng tulong at kung paano si Robb mismo ang nagkaila sa kanya sa harap ng mga kaklase niya. Bahagya siyang naluha dahil sa inis na hindi nalang siya kay Jeff nagkagusto.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now