CHAPTER 24

1.5K 17 10
                                    

CHAPTER 24

 

“Sir, a certain Mrs. Villaruiz is here to see you and she’s insisting to be let in inside your office.” Sabi ng sekretarya ni Robb. He’s pretty sure that she’s pertaining to his wife but played along with it.

“Please ask her to wait, and ask what business she has with me. I don’t know any Mrs. Villaruiz aside from my mom.” Pagkakaila pa niya para lang mapagtripan ang asawa dahil sigurado siyang naririnig din siya nito over the intercom of his secretary.

Hindi pa nga pala alam sa office na kinasal ako. Let’s see what you’re going to do now my dearest wife. Amused na isip ni Robb sa sarili. Wala kasing may alam na kinasal siya sa office aside from people with higher positions who were invited to his wedding, ang mga tao na nakakatrabaho niya sa office araw-araw ay hindi nasabihan sa kasal na naganap dahil sa medyo rushed nga ito.

“Anong don’t know?” Gulat na gulat na sabi ni Fran nang marinig ang sinabi ng asawa.

“Sorry miss Villaruiz is it? Can you please sit down for awhile. What business do you have with Mr. Villaruiz?” Pormal na tanong ng sekretarya ng asawa niya na halos kasing edad lang niya at nakamaikling palda pa sa opisina.

“Uhm.. I’m his wife.” Nag-aalangang sagot niya na ikinagulat ng sekretarya. Agad itong tumigil sa ginagawa at tinignan siya mula ulo hanggang paa na para bang hindi kapanipaniwala ang sinabi niya dito.

“Sorry but we don’t entertain scammers in here. May as well leave while I still haven’t called the guards to throw you out.” Sabi nito sabay balik sa pagtatrabaho.

“Excuse me?” Di makapaniwalang sabi ni Fran sa sekretarya at sa pagsusungit nito sa kanya.

Sinasabi ba netong babaeng ito na amalayer? Gusto ata niyang magaya kami dun sa LRT amalayer peg? Wait Francesca kalma lang! Sabi ni Fran sa sarili habang pinipilit pakalmahin ang sarili. Ayaw kasi niyang magcause ng gulo sa opisina ng asawa.

“I’m giving you 5 minutes to leave miss. I’ll call the guards after that kung andito ka parin.” Sabi nito na di man lang siya tinignan.

“We’ll see.” Sabi niya naman dahil nakaisip na siya ng paraan.

“We’ll see. I doubt sir Villaruiz will choose you.” Ulit ng sekretarya sa nanunuyang boses.

“Ofcourse he’ll choose me!” Nasabi niya sa medyo mataas na tinig dahil she’s suddenly feeling that the girl she’s talking to is starting to get on her last nerves.

“Hmp, ba’t di nalang ako ang pinili? Kung ikaw asawa niya ako reyna ng Pilipinas.” Sabi nito na medyo natawa pa na sobrang ikinairita ni Fran.

Agad agad tinalikuran ni Fran ang sekretarya at tinext niya ang lola ni Robb para sabihang lumabas sandali ang binata sa opisina at kunyari ay andoon ang lola nito. Sinabi niyang di niya matext ito dahil gusto sana niyang sorpresahin ang binata.

Agad din naman sumagot ang lola ni Robb at sinabing ite-text na daw nito ang apo at sinabi rin nito na salamat daw sa pagaalaga sa apo nito.

“2 minutes left at kakaladkarin ka na ng guards palabas.” Sabi ng sekretarya ni Robb kay Francesca.

“2 minutes left at mapapahiya ka na. At saka itaas mo nga yang damit mo halos lumuwa na yang kaluluwa mo. Office to at hindi bar FYI lang.” Masungit na sagot ni Francesca dahil kanina pa talaga siya inis na inis.

“Please miss whatever your name is, wag inggitera.” Sabi nito pagkatapos nitong tignan ang suot suot ni Francesca sabay tawa ng nakakainis.

Tinignan naman ni Fran ang sarili, Ano bang mali sa simpleng polo at maong pants?Atleast di luwa ang lahat lahat, iritang iritang isip ni Fran.

“Francesca!” Narinig ni Fran na tawag sa pangalan niya pero hindi boses ni Robb ang tumawag sa kanya kundi ang tuwang-tuwa na boses ni Jeff.

Lalapitan na sana niya ito nang biglang bumukas ang pinto sa office ni Robb at lumabas ito. Nakita nito si Jeff at si Fran na nakatayo malapit sa isa’t isa at nagdilim ang ekspresyon ng mukha nito.

“What are you do...” Di na natuloy ni Robb ang sasabihin nito dahil agad agad na tumakbo si Fran papunta dito at hinalikan ito.

At first, Robb was too shocked to respond but within seconds he was able to collect himself at ginantihan ang halik ng asawa. The kiss seemed to last for ages in Francesca’s world pero ang totoo ay mahigit sampung segundo lang ang tagal nito na naputol lang dahil may umubo sa gilid ng dalawa.

“Still on your honeymoon phase huh son?” Natatawang sabi ng boses ng ama ni Robb na dahilan kung bakit napabitaw si Fran sa pagkakayap sa asawa at pagkakaputol ng halik nilang dalawa.

“Dad” Sabay na sabi ng mag-asawa who we’re like teenagers caught doing something indecent.

“Carry on then, I was supposed to invite you to have lunch with me but I see you have your wife to eat lunch here with you.” Nakangiting sabi nito at nagpaalam na.

“Pangalawa na yan ha.” Natatawang sabi ni Jeff bago sila tinalikuran.

“Hi love!” Bati ni Francesca sa asawa sabay halik ng mabilis dito.

“Francesca, love, come to my office now.” Sabi lang ni Robb in a stiff voice sabay talikod sa kanya para pumasok sa opisina nito.

Bago pumasok sa opisina ni Robb ay tinignan muna ni Fran ang naging reaksyon ng sekretarya nito sa nakita nitong nangyari at natawa siya ng kaunti nang makitang mukha itong di makapaniwala at nakanganga pa ng konti sa pagkagulat.

“Dear miss whatever your name is secretary, sarado mo yang bibig mo baka pasukan ng langaw.” Sabi niya sabay pasok sa opisina ng asawa.

“What the hell was that about?” Sabi ni Robb na parang di makapaniwala sa ginawa niya iilang segundo palang ang nakakalipas.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Onde histórias criam vida. Descubra agora