Chapter 53

480 6 0
                                    

So.... date chapter lang po ito... Kaya maigsi ;) Next update nalang ang hahabaan ko <3

Fav and comment dearies ! <3

         

CHAPTER 53

"So pinlano mo lahat to?" Manghang tanong ni Fran nang makaupo na sila ni Robb sa plaid cloth na nakalatag sa gitna ng rose petals.

"Yup.." Nakangiting sagot nito sa kanya.

"The candles? The dark house? The lanterns?" Animated na tanong niya while looking around.

"Yup." Sabi nito.

Doon nag-sink in kay Fran na baka pati yung pagpapatulong ni Jamila sa kanya ay kasama din sa plano nito dahil never pang nanghingi ng tulong sa trabaho ang kaibigan mula pa noon pa man.

"Ohhh wait... si Jamila? Was she a part of the plan too?" Pagtatanong niya upang makasigurado.

"Yup, I asked her to stall you. I asked her everything about you." Sabi nito.

"She was nagging me for hours kanina. She said she couldn't stall you any longer and why did I not prepare earlier. She gave me an earfull." Pagpapatuloy ni Robb habang natatawa ng bahagya.

"Everything?" Nabiglang tanong ni Fran.

"Everything.... well I left some out so that you could tell me yourself." Sabi nito habang nakatitig sa kanya.

"I asked her about what you wanted, what you've always find romantic, what you dreamed of as a perfect date. And here I am, trying my best to give it to you."

Halos lumabas ang puso ni Fran sa sobrang kilig, sa naguumapaw na pagmamahal na nararamdaman niya para dito.

"Alam mo.. I never though my love for you can grow more... kala ko todo na yung dati pero eto ka nanaman." Sabi niya sabay yakap dito.

"So proud ka nyan sa sarili mo?" Sabi ni Fran nang makabawi na at pagbitaw sa pagkayakap sa asawa.

"Well.. If I was successful at making you happy I would be... are you?" Sinserong tanong nito sabay hawak sa kamay niya.

"Am I what?"

"Are you happy?"

"Beyond happy.. feeling ko lumulutang ako sa mga ulap." sabi niya sabay hilig ng ulo dito.

Ilang segundo lang ay naramdaman niyang hinalikan nito ang ulo niya bago nag-salita muli.

"Let's eat?" Tanong nito.

"Okay" Tango niya sabay ngiti ng maluwag dito.

Wala namang kumilos sa kanilang dalawa ay biglang nagsilabasan ang mga kasambahay na may dalang mga basket, baso, at kung ano-ano pa. Tuwang-tuwa na pinagmasdan iyon ni Fran hanggang mailapag nila ang mga dala sa harap nilang mag-asawa at umalis na uli ang mga ito.

Akmang aayusin na ni Fran ang pagkain ay pinigilan siya ni Robb.

"Wait, let me" Sabi nito.

Pakiramdam ni Fran ay para siyang isang prinsesa na pinagsisilbihan ng napakakisig na prinsipe.

Josko po. Thank you po sa blessings. Mahinang dasal niya dahil sa palagay niya, in this stage of her life, she couldn't ask for more. This was already everything she wanted, everying she dreamed of and more.

Pinagmasdan niya ang asawa na inilatag ang mga pagkain sa harapan nila at bahagya itong napatingin sa kanya.

"I love seeing you like that." Sabi nito at nagpatuloy sa pag-aayos.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now