CHAPTER1

5.2K 46 29
                                    

CHAPTER1

         Iyak ng iyak si Francesca habang nagkukwento ang best friend niyang si Jamila at ang nobyo kung paano sila nagkakilala at kung paano magiging napakasaya nila kung makakapunta ang lahat sa kanilang kasal sa susunod na buwan.

         Hindi naman nakakapagod ang maging wedding planner, actually naeenjoy nga Francesca ang trabaho at bukod pa sa pagiging wedding planner ay may-ari din siya ng isang matchmaking agency na sobrang pribado at by recommendation lang kung magtrabaho ngunit 99% naman ang success rate, ang nakakapagod ay ang maging wedding planner-slash-matchmaker na single. Habang lahat ng naging kliyente niya ay masaya at may lovelife siya naman eto mag-isa pero maski ganon iniisip niya nalang sa sarili na para siyang isang superhero sacrifice my own happiness for the welfare of many yan ang isip niya na ginagawa niya.

         Nilapitan at niyakap siya ng matalik na kaibigan, “Mas umiyak ka pa kesa samin ha Fran, baka akalain ng mga tao lamay ito at hindi kasal. Tama na yan ha? Andali lang at pupuntahan ko ang ibang guest, tama na yang iyak” Biro sa kanya ni Jamila kay agad agad niyang pinunasan ang luha at pati na rin yata ang uhog na tumutulo galing sa ilong niya.

         Naaalala pa niya nang ipakilala niya si Jamila kay John na ngayon ay mapapangasawa na nito, para sa kanya talagang nakakakilig ang kinahinantnan ng istorya ng dalawa, mula sa pagiging college sweethearts kasi ay nagkahiwalay ang mga ito dahil sa paninira ng iba ngunit nagkatuluyan din sa huli. Sobrang tuwa ang nadarama niya para sa kaibigan but deep inside her kahit paano man niya piliting ikubli ay nakakaramdam siya ng inggit. Jealousy because finally her friend found someone she’ll spend all her days with and someone who’ll love her no matter what, habang siya ayun at NBSB pa rin sa edad na twenty four.

         Robb Villaruiz, yan ang lalakeng ubod ng gwapo, yaman, talino at ubod din ng sungit ang dahilan kung bakit NBSB siya, hindi dahil pinipigilan nito ang mga manliligaw niya dahil obssess sa kanya ito, I wish, kundi dahil mula pagkabata nang malaman niya ang ibig sabihin ng salitang crush ay ito na ang naging nasa paningin niya at hanggang sa pagtanda na maintindihan niya ang konsepto ng love ay ito parin ang dumomina ng puso niya. Ngunit mula noon hanggang ngayon ay wala parin itong ipinapakitang interes sa kanya maski ano ang gawin niyang pagpapacute, pagpapapansin at lantarang pagpaparinig ng pag-ibig niya dito ay walang talab dahil talbog nga naman ang ganda niya sa mga naging nobya niya mula ng highschool hanggang magcollege sila na ‘napaka’ lahat, napakaganda, napakayaman at napakasopistikada habang siya yata ay napakalaking tanga at napakatindi ng pagmamahal para sa binata lang ang katangian niya.

         Hindi niya naman masasabi na sobrang sawi niya sa pag-ibig dito dahil maganda naman siya, may pinagaralan at maganda din ang hubog ng katawan at higit sa lahat iisa lang siya sa dami ng babaeng hindi nito pinapansin kaya marami din siyang karamay at ito ang dahilan kung ba’t siya NBSB dahil pakiramdam niya ay magiging malaking pagtataksil para sa pag-ibig niya dito ang makipagrelasyon sa iba. Sinasabi sa kanya ng iba na katangahan daw ang ginagawa niya na noon ay dinedeny niya pero ngayon parang panahon na nga talagang kalimutan si Robb at maghanap na ng iba dahil nawawalan na siya ng pagasang masuklian pa ang pag-ibig niya para rito.

         Mag-isang kumukha ng pagkain sa buffet table si Francesca ng lapitan at kausapin siya ni Jeffrey na pinsan ng groom-to-be na si John. She indulged him in small talk, matagal nang nanliligaw sa kanya si Jeff at matagal niya na din itong sinabihang itigil na iyon ngunit talagang persistent ang binata. Wala naman siyang makitang mali kay Jeff maliban sa pagiging mayabang nito paminsan na di naman masaba dahil may maipagmamayabang naman ito, gwapo, matalino at mayaman naman din ito ngunit ang isang dahilan kung bakit di niya ito masagot sagot ay dahil hindi ito si Robb pero sa tingin niya ay time na para bigyan naman niya ito ng chance, maybe he’s the one but I kept on pushing him away for the wrong guy isip niya sa sarili.

         Nakapagdesisyon na siya na bibigyan niya na ng chance ang sarili na umibig sa iba at unang una sa listahan si Jeff pero sa gabing iyon pag-uwi niya ay buburahin niya na si Robb sa buhay niya. Susunugin lahat ng larawan at alaala niya dito para naman makapagmove-on na siya sa buhay niya at sumaya naman kahit papano. Ansabe naman ng move on? Naging kayo teh? Sermon sa kanya ng isang bahagi ng isip niya. Sa puso at panaginip ko naging kami! Di niya lang alam.. sabi naman ng kabilang bahagi ng utak niya sa maliit na tinig.

         “Seriously? WHAT THE….” Hindi na itinuloy ni Robb ang sasabihin dahil tinignan siya ng masama ng kanyang ama. The old man hated cussing and he knew that, his father also demanded respect and he knew that too.

         Sa dinami-rami ng taong nagtrabaho siya dito mula ng italaga siya nito sa pinakamababang posisyon na hindi naman niya tinutulan. Tingin kasi ni Robb ay dapat niya ngang pagsikapan ang bawat promotion o sweldong ibibigay nito sa kanya ng kanyang ama. Ginawa at pinagtrabahuhan niya naman ang lahat ng iyon hanggang ngayon, ngayon na malapit na ang pagpili ng bagong CEO sa kompanya. Masasabi at maipagmamalaki din niya na di nimiminsan niyang sinuway o pinagtaasan ng boses ang ama niya pero iba ang sitwasyon ngayon dahil naguulyan na yata ito at kung ano ano ang pinipilit sa kanya.

         “I’m serious Robb, I won’t vote for you unless you grant my simple request” sabi ng matanda habang nakatingin sa kanya ng diretso. Nalalapit na kasi ang election ng bagong CEO ng kompanya at nangangalap na siya ng boboto sa kanya dahil kalaban niya sa posisyon and dati pa niyang kakompetensiya sa lahat ng bagay at inaanak ng ama niya na si Jeffrey at alam niyang magiging malaki ang tyansa niyang manalo dahil napakalaki ng hawak na shares ng kanyang ama sa kompaniya.

         “Dad? Simple request? Really?” Sabi niya while pacing back and forth in front of his father. He didn’t think his father could do this to him, he’s actually blackmailing his own son.

         “You’re blackmailing me dad, you even call it a request! Blackmail is what it is!” Sabi niya na di na mapigilan ang pagtaas ng boses.

         “Don’t raise your voice on me young man” Sabi nito sa seryosong tinig at nagpatuloy, “Besides, the board would also want someone who’s married to run the company it would show that you can take responsibility and you’re at the right age.” Sabi nito na para bang hinihiling nito ang pinakanatural na bagay sa buong mundo.

         “Just kill yourself Robb” yan ang narinig niya sa haba ng litanya ng ama dahil parang hinihingi na din nitong magpakamatay siya sa hiling nitong magpakasal siya.

         “I’ll grant you any request dad, just not that. Please” Sabi niya ng makahinahon ulit.

        

         “Son, you and I both know that hundreds of girls would do anything just to get your attention so it wouldn’t be such a hard thing.” Sabi ng matanda na seryosong seryoso nga ang itsura at walang bakas ng pagbibiro sa boses.

         “You are one frustrating old man” Sabi niya at padabog na umalis sa opisina nito while muttering curses under his breath.

         Get married, me? Yeah right. That could happen. Sarkastikong isip niya sa sarili.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon