CHAPTER 38

952 15 3
                                    


CHAPTER 38




"So where do you wanna go?" Tanong ni Robb kay Fran pagkababa nito sa kusina para kumain at naabutan na si Fran na nagluluto.

"Uhm... maski saan?" Tanong ni Fran dahil gusto niyang siguraduhin kung saan ba sila pwedeng pumunta, kung sa Pilipinas lang ba o hanggang sa ibang bansa ay pu-pwede.

"Hmmm." Pagsang-ayon naman ni Robb sa kanya.

"Three days?" Tanong niya uli.

"Hmmm hmm." Sabi ni Robb habang palakad papunta sa hapagkainan.

"Maski saan talaga?" Paniniguradong tanong niya dito.

"Yes Francesca, anywhere." Sabi nito na parang bahagyang nakukulitan na sa kanya.

"Aalis tayo... ngayon? Ngayon din?" Sabi ni Fran sabay tingin sa orasan at nakitang 6am palang. Ang totoo kasi ay halos di siya nakatulog sa kakaisip kung saan sila pwedeng pumunta at naghanda din siya ng maisusuot, ngunit hanggang sa oras na iyon ay wala pa siyang naiisip.

Dahil sa kakaisip ay nakalkal niya ang diary niya kung saan nakasulat ang lahat ng lugar na nais niyang mapuntahan at ang lahat din ng lugar na nais niyang makita kasama si Robb noong mga panahong pinapangarap niya palang ito.

"Yes." Sabi ni Robb sabay inom ng kape na iniabot sa kanya ng asawa.

"Uhmm...." Sabi ni Fran habang pabalik balik na naglalakad sa harap ni Robb habang si Robb naman ay nanatiling nakaupo at nagbabasa ng dyaryo.

"Just tell me, what's the place that you really want to go to?" Sabi ni Robb habang nakatingin ito sa kanya.

"Uhmm madami, I actually had this list of places I want to go with you." Nahihiyang sabi ni Fran sabay labas ng diary niya at bukas sa pahina kung saan mayroong napakahabang listahan ng mga lugar sa harap ng asawa.

"I'm going to ask you so tell me the first thing that pops in your head okay..." Sabi nito habang natutuwang nakatingin sa listahan na hawak niya.

"Wait wait iisipin ko pa." Pagsagot niya sa sinabi nito.

"One..." sabi ni Robb habang itinaas ang daliri na kasabay ng pagbibilang nito.

"Wait sandali lang!" sabi naman ni Fran sabay tingin sa listahan at sa mga lugar na nakasulat dito.

"Two.."

"Andali lang andali lang.." Panic na sabi ni Fran dahil wala siyang mapili kung saan ang pinakagusto niyang puntahan sa mga lugar na nakikita niya.

"Three.."

"North!" Sigaw ni Francesca sabay pikit at sarado ng notebook niya.

"North it is." Sabi ni Robb sabay kagat sa toast na nasa harapan niya.

"Ahhh okay okay! Wait! Kain ka lang dyan.. actually bilisan mong kumain para mabilis tayong umabot okay? Bilis bilis okay pack din! Bye! Wait ayusin ko lang dala ko! Okay wait! Arghhh I hate rushing!" Sabi ni Francesca sabay takbo paakyat ng kwarto niya para magdagdag pa ng damit na dadalhin.

"Hmmm hmmm." Sagot lang sa kanya ni Robb habang patuloy lang ito sa pagkain na para bang hindi niya ito pinagmamadali.




--------------------------------------------------------------------------------------------

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon