CHAPTER 45

675 9 3
                                    


CHAPTER 45

"So ano na kayong dalawa ngayon girl?" Tanong ni Jamila kay Fran. Kasalukuyan kasi silang nagkukwentuhan sa opisina at kakatapos lang ng trabaho. Matapos nilang matapos sa lahat ng naiwan na trabaho ay nagkwento si Fran sa kaibigan tungkol sa mga nangyari sa kanya ng mga nakaraang araw.

"Ewan ko." Kilig na kilig na sagot ni Fran kay Jamila. Iilang araw na rin kasi matapos nilang makabalik mula sa bakasyon nilang dalawa ng asawa.

Sa loob ng ilang araw na nakalipas ay naramdaman niya na unti-unti silang umaaktong magasawa at para bang nawawala na ang pagpapanggap na namamagitan sa kanilang dalawa dati.

"Nako Francesca, I don't mean to be a pessimist but siguraduhin mo muna before getting your hopes up." Sagot ni Jamila sa kanya

"I know Jam, pero alam mo yun? Para kaming magMU"

"Hala hala hala si ate girl! Teenager? Kilig na kilig ka dyan the parang di ka malapit nang magthirty sa acting mong yan!" Panunugkso ni Jamila sa kanya.

"OA naman! I'm not nearing 30 yet ha!"

"Just kidding, but seriously Fran. I don't want you to get hurt than you already have."

" Alam ko... and I know I am taking a leap of faith here but I love him... Always have, always will." Nakangiting sabi ni Fran sa matalik na kaibigan.

Alam ni Fran na sa paglipas ng mga araw ay lalong lumalalim ang pagibig niya para sa asawa kung posible pang mas lumalim ito at alam niya din na kung sakaling sa huli ay di parin siya matutunang mahalin nito ay sobra sobrang sakit ang mararamdaman niya. Alam lahat ito ni Francesca but she's hoping that things would turn out for the best.

"I know." Nakangiting sagot ni Jamila sa kanya.

"So kumusta na pala yung issue kay Jeff?" Pag-iiba ni Jamila sa usapan nilang magkaibigan.

Nagulat si Francesca at napaisip dahil sa nakalipas na mga araw ay nawala sa loob niya na kinakailangan nga pala nilang mag-usap ni Jeff. Kailangan niyang mapilit itong wag sabihin kahit kanino man ang nalalaman nito dahil di lang ito makakasira ng relasyon nila ni Robb, pati na rin ang tiwala ng kani-kanilang mga pamilya sa kanila ay may masisira din kung sakaling malaman ito ng mga iyon.

"Di ko alam Jam, di ko talaga alam. I mean Jeff is a reasonable guy, sana maintindihan niya." Malungkot na sagot ni Fran dito.

"He is but Fran, this secret? It's huge. How long do you think na kaya niyong itago ni Robb 'to?"

"I'm hoping that he'll fall in love with me soon and di na kakailanganin na maging palabas ang lahat."

"Hayyy friend, sana nga. Sana talaga."

Napangiti si Fran at bago pa man siya makasagot ay biglang nag-ring ang cellphone niya at mas napangiti siya nang makita kung sino ito.

"Hi husband!" Energetic na sagot niya dito.

"I'm here already, let's have dinner?" Tanong nito.

Agad naman sumang-ayon si Fran at binaba na nito ang tawag.

Magmula nang makabalik sila mula sa bakasyon ay hatid-sundo na siya ng asawa sa office dahil alam nito na nasira ang sasakyan niya at hindi parin niya ito nakukuha hanggang ngayon. Nung una ay biniro niya lang ito na ihatid sundo siya everyday at kapalit nito ay ipag-babake niya ito ng kahit anong paborito itong sweets ngunit nabigla nalamang siya nang kinabukasan ay ginawa nga nitong ihatid sundo siya sa trabaho.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now