CHAPTER 34

900 10 7
                                    

CHAPTER 34

"What are you doing exactly?" Seryosong tanong ni Robb kay Fran dahil kasalukuyan itong kakahiga lang at ginawang unan ang hita niya.

Nasa opisina sila ni Robb at kakatapos lang nilang kumain dahil pinagdala ni Fran si Robb ng lunch gaya ng nakasanayan nila ng ilang linggo na. Kahapon ay nakabalik na sila sa bahay nila mula sa reunion kung saan nagumpisa ang lahat.

Nangako si Francesca sa sarili na hindi titigil hangga't di napapaibig ang asawa dahil naramdaman niya na kahit papaano ay naguumpisa na rin itong mahulog para sa kanya, bakit pa siya pipigilan nitong itigil ang lahat kung hindi?

Sa reunion trip din ay napagalaman niya mula kay Jamila na nagalit pala si Robb nang magbalik ng mag-isa si Jeff sa grupo at ipagbigay alam sa lahat na nawawala siya. Nagalit umano ang asawa niya at inaway si Jeff dahil sa kapabayaan nito, nagaway ang dalawa at sinuntok ng asawa ang binata bago sila mapigilan ng mga kasamahan at mapagpasyahan na hanapin nalang siya.

Di maikakaila na kinilig si Fran dahil sa concern ng asawa ngunit naaawa din siya dahil nagmamagandang loob lang ito nang samahan siya pero naipit pa ito sa gulo nilang mag-asawa.

Pagkabalik nila sa Maynila ay balik nanaman si Robb sa dati niyang pagtrato sa asawa pero mas bumait ito kumpara sa dati kaya naman sinasamantali ni Fran ang bawat pagkakataok na meron siya upang maging sweet dito, mayroon man o walang nakakakita.

"Huh? What am I doing?" Pagmamaang-maangan niya sabay tingala upang makita niya ang mukha nito.

"Why are you lying in my lap? We're in the office... Go to your work, I also have tons of things to do here." Sabi nito sabay subok na alisin ang ulo niya sa kandungan nito.

"Pahinga muna tayo. Di naman mapapanis tong legs mo kung hinigaan ko. Wag kang masyadong workaholic baka magka-ulcer ka niyan. Saka ikaw mismo nagsabi sa akin remember 'i don't want you to stop'." Sabi niya habang nakatingin sa asawa sabay taas ng kamay na para bang sumenyas ng quotation marks sa ere. Napansin niyang nag-iwas ito ng tangin at bahagyang namula na ikinatuwa niya.

Ang cute naman! Nagbublush! Konting kayod nalang at mamahalin mo na ako. Natutuwa at kinikilig na isip niya sa sarili.

"So eto ngayon, I'm not giving up." Pagpapatuloy niya sabay pikit at kunyaring matutulog sa lap ng asawa.

Hay ang bango-bango thank you po Lord at ang yummy ng asawa ko eto po ay ang himalang hinintay ko all my life hehe.... Isip ni Fran habang nakapikit at nakahiga parin.

"I don't know what to do with you anymore." Pagod na sagot nito ngunit di na nito sinubukang alisin ang ulo niya sa pagkakakandong dito kaya naman maski nakapikit ay napangiti siya.

Ilang minuto din na walang nagsasalita sa kanila nang biglang basagin ni Robb ang katahimikan.

"Okay five minute's up. Go now... Go shoo shoo." Sabi nito sabay buhat sa ulo niya mula sa lap nito upang mapaupo siya ng maayos.

"Maka-shoo ka naman! Saka OA naman yang five minutes mo. Wala bang extension? 1hr?" Pagpapacute niya dito sabay subok na humiga uli ngunit pinigilan nito ang ulo niya bago pa makalapat sa kandungan nito.

"Nope. I'm really busy Francesca. And all your antics, ang dami ko nang madededuct sa 5 million mo." Sabi nito in a business-tone.

"Wala naman sa contract na bawal to ah! Bawal lang kiss di ba? Sige na, 30 minutes?" Pangungulit niya sabay higa uli ngunit di nanaman nagtagumpay sa balak.

"No. I remember somewhere in our contract that you said no touching you and no intimate things, you set those rules yourself." Sabi nito habang hinahawakan si Fran sa balikat upang manatiling nakaupo ito at pigilan itong humiga sa kanya.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now