CHAPTER 39

737 12 4
                                    

CHAPTER 39

'What have you done?' di makapaniwalang isip ni Fran.

'He hates you, he absolutely hates you. Yung chance na akala mong meron dahil pinapansin ka niya kumapara sa iba? Wala na ngayon.' patuloy na pag-iisip niya sabay umpisa ng pagtulo ng mga luha niya. Kahit papaanong pagpigil ay di niya magawa at tuloy tuloy lang mga ito sa pagdaloy.

'Ano nang gagawin mo?' panicked na isip niya, ni hindi man siya makagalaw mula sa kinatatayuan.

'Ilan taon mo siyang minahal? Ilang taon ka ng sunod ng sunod, doing your best everyday for him to notice you at sinayang mo lang lahat!'

'Tanga tanga tanga!' isip ni Fran sa sarili habang tuloy-tuloy na tumutulo ang mga luha niya.

Hindi na alam ni Fran kung gaano na karaming luha ang tumulo sa kanyang mga mata o ulan ba iyong dumadaloy sa kanyang pisngi.

"Tumigil ka na, di kita magugustuhan kahit kailan." Paulit-ulit na nag-pplay sa utak ni Fran ang mga salita mula kay Robb na para bang isang sirang plaka ito na ayaw tumigil sa pagtugtog sa isip niya.

'Paano na ngayon?' isip ni Fran, at wala ni kahit saanmang sulok ng utak o puso niya ang sagot sa tanong na ito.

"I love you Robb!" Sigaw niya na nagecho lang dahil siya nalang ang nagiisang nakatayo doon ngayon, siya nalang ang nakakarinig ng mga salitang iyon at alam niyang kahit marinig pa ito ni Robb ay wala na rin epekto ang mga salitang ito.

Napaluhod siya dahil para bang nawala ang lahat ng lakas na nagtatayo sa kanyang mga paa at hindi na rin niya namalayan kung kailan siya nagumpisang manginig. Nanginginig ba siya dahil sa lamig ng ulan o dahil sa sobrang paghikbi at pag-iyak?

"i love you Robb" Paulit-ulit na sabi niya, sa bawat ulit ay pahina ng pahina ang boses niya at sa huling beses bago pa niya masabi ang pangalan ng lalake ay nagdilim na ang lahat para sa kanya at nawalan na siya ng malay.

------------------------------

"Uhmmmm" Sabi ni Francesca habang sinubukang imulat ang mga mata, ang pakiramdam niya kasi ay sobrang bigat ng mga ito at sobrang pagod niya para ang simpleng pagmulat ng mga mata ay maging napakahirap na gawin.

"Fran! Omg girl! Are you okay? Ofcourse you're not okay. What am I saying! Bestfriend!" Tarantang sabi ni Jam na hindi alam kung anong i-aabot sa kanya kung tubig ba o prutas o kung ano man na mahawakan nito.

"Jam? Asan ako?" Nagtatakang tanong niya dito at tingin sa di pamilyar na kapaligiran.

"Nasa ospital ka Fran! For Godsake! Sobrang nag-alala kami ni tita sa'yo! Two days ka nang walang malay! Sabi ng doctor exhaustion pero di parin namin maiwasang mag-alala." Sabi nito sa kanya sabay hawak sa noo niya na parang sinusukat ang grado niya.

"Why am I... ba't... What am I doing here? How did I get here? Si Robb?" Tanong niya.

"Anong si Robb! Si Robb nanaman! Robb Robb Robb Robb! Please naman Francesca tama na." Galit na sabi nito habang seryosong nakatingin sa kanya na parang ito na ang napapagod para sa kaibigan.

"Jam..." Sabi ni Fran sa boses na nagmamakaawa sa kaibigan upang intindihin siya.

"Okay tell me what happened. May narinig na'ko mula sa ibang tao but I want to hear everything from you. Explain, tell me." Sabi nito sabay upo sa silyang nasa tabi ng kama ni Fran.

"Jam..." Sabi uli ni Francesca na hindi na napigilang tumulo nanaman ang mga luha at tuloy-tuloy na ito sa pagtulo habang ikinwento niya kay Jam kung ano ang nangyari.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now