CHAPTER 13

1.6K 31 22
                                    

CHAPTER 13

 

         “Sigurado ka na ba talaga Fran? Alam mo makakaganti ka din naman sa kanya kung bigla ka nalang di pupunta. Eskapo nalang tayo? Maraming isda sa dagat!” Sabi ni Jamila sa kaibigan. Kasalukuyan silang nasa hotel suite kung saan nakaayos na si Fran at handa na para sa kasal niya. Hinihintay nalang nila ang text ng mama ni Fran na nasa lobby para bumaba sila kung nandoon na ang sasakyan papunta sa simbahan.

         “I won’t do that Jam” sinamaan niya ng tingin ang kaibigan.

         “But it’s the best revenge! Sabi mo ginagawa mo to para sa revenge at isa pa – “ naputol ang sasabihin ni Jamila nang biglang may nagtext sa kanya.

         “Andyan na daw yung sasakyan Fran, last chance? Mas ayos to mapapahiya siya makakaganti ka sa lahat ng pamamahiya niya sa’yo”

         “I love him! Di ko kaya Jam! I’m doing this because I still love him” Sabi ni Fran at madaling lumabas sa suite nila.

         “I knew it! Ohhh I so knew it! Sana di mo pagsisihan to and know I’m wishing you all the best.” Sabi ni Jamila nang makabawi ito sa pagkagulat sa sinabi niya at bago siya niyakap nito nang nasa elevator na sila pababa.

         Hindi mapigilan ni Francesca ang namumuong luha sa mga mata niya habang dahan-dahan siyang naglalakad papunta sa altar. Hindi na din niya sinubukang itago ang galak na nadarama niya tutal kasal naman niya at kung may tao mang nararapat na maging masaya sa araw na ito ay siya iyon. Ito na ang pinakamasayang araw ng buhay niya dahil bukod sa ito na yata ang pinakaenggrandeng kasal na nakita niya sa buong buhay niya – ang groom niya pa ay ang lalakeng pinapangarap niya mula pa noon. Ayaw niya nang isipin ang totoong rason ng pagpapakasal nila dahil ang importante he will be hers from this day on.

Ilang taon ko bang pinangarap to? Ilang beses napanaginipan? Ilang pagkakataong iniyakan dahil akala ko wala nang pag-asa?

 

         Habang naglalakad si Francesca patungo kay Robb ang tanging naiisip lang ni Robb ay ang posibilidad na baka mahal parin siya ng magiging asawa niya. Maski anong gawing pagkumbinsi sa kanya ng dalaga na ginagawa niya lang ito para sa perang makukuha nito ay di niya makuhang maniwala na wala na talagang pagtingin sa kanya ito.

Mukhang totoo kasi ang mapagmahal na tingin na pinupukol sa kanya nito habang naglalakad ito papunta sa kanya at nagumpisa na nga ang seremonya ng kasal nilang dalawa.

         Pagdating ni Fran sa kinatatayuan ni Robb ay ngumiti ang binata nang kapitan niya ang braso nito, di na inisip ni Fran na arte lang iyon o kung ano pa man dahil ayaw niyang masira ang araw na iyon.

         Napatingin ng maigi si Francesca kay Robb bago niya sinimulang sabihin ang vows niya para dito,  

“ I have always dreamed of this, you and me, ending up together and having our own happily ever after.

There came a time when I thought na hanggang panaginip na lang ang lahat.

I’ve always dreamed that the time would come wherein I would finally be able to tell the world that I am yours and in the same way, you are mine and finally here we are.

I promise to love you, take care of you and stay by yourside no matter what, because I know that what I want is to keep you forever.

I promise that whenever things get rough, I’ll see through it that my love will be enough for the both of us, to keep us going.

I’ll try my best to be the best wife, the wife whom you’ll be proud of and you will eventually love…….more”, aniya habang sinusuot ang singsing kay Robb.

Nakita ni Francesca ang bahagyang pagsimangot ni Robb habang sinusuot niya ang singsing dito dahil sa ginawa niyang hindi pagsunod sa utos nito. Napagkasunduan kasi nilang ang sekretarya nito ang gagawa ng vows para sa kanilang dalawa dahil wala naman talaga silang pinagsamahan at maaaring maging basehan ng vows nila.

Nakita din ni Fran na tutok na tutok ang mata ng lalake sa kanya habang nagsasalita siya na para bang binabasa nito kung totoo ba ang lahat ng sinabi niya o umaarte lamang siya para sa mga panauhin nila.

Nang pagkakataon na ni Robb na sabihin ang vows niya at isuot ang singsing sa daliri ni Fran ay nagkunyari nalamang si Fran na bukal sa loob ng lalake ang lahat ng sinasabi niya at di ito gawa lamang ng ibang tao at minemorya lang.

“By the power vested in me, I know pronounce you man and wife… you may now kiss the bride” Parang nagpintig ang pandinig ni Francesca sa sandaling iyon at di maipaliwanag ang kaba at excitement na nadarama niya.

This is it! Mula highschool naudlot na ito at ngayon matutuloy na din sa wakas! Isip niya sa sarili habang itinataas ni Robb ang belo na nakatakip sa mukha niya.

Napapikit si Fran nang maramdaman niyang palapit na ang mukha ni Robb sa kanya.

Eto na! Thank you Lord! Eto na yon! OMG thissss isss it! Excited na isip niya pero laking gulat niya nang halikan siya nito sa gilid ng labi at di mismo sa mga labi niya.

Biglang napadilat si Fran at nanlalaking matang tinignan si Robb. Bahagyang natawa ang asawa niya at bumulong sa kanya,

“Smile love, wag kang magulat dahil natural lang na I woudn’t want to pay five hundred thousand on our first day as a married couple.” Sabi nito sabay ngiti sa mga bisita.

Damn those rules! Galit na galit na isip ni Fran sa sarili niya.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )حيث تعيش القصص. اكتشف الآن