CHAPTER 7

1.8K 28 12
                                    

CHAPTER 6

 

         “Ay sige po dadalhin ko po kayo kay lola next time” Sabi ni Francesca habang nakangiti sa matanda.

         Pagsiswertehin ka nga naman, nako talaga Lord salamat po. Isip ni Fran dahil nang araw na iyon ay nakaset siyang makipagmeeting sa bagong client niyang si Aila para sa kasal nito at ang kumakausap sa kanya ngayon ay ang lola ng kliyente dahil malalate daw ito ng dating at galing pa daw sa meeting.

        

         Pagdating kasi niya sa bahay ng kliyente ay iyon din pala ang bahay ng lola nito na talagang napakasungit at sobrang istrikta nung una at bumait lamang sa kanya nang malaman na apo pala siya ng matalik nitong kaibigan mula pagkabata na matagal na nitong hindi nakikita at nakiusap nga ang matanda na dalhin siya dito dahil miss na miss na daw niya ito.

        

         “Ate Fran!!!” Nagulat si Francesca nang biglang pababa galing sa hagdan ang batang nakita niya noon sa bahay ni Robb. Naging mabait ang pakikitungo niya dito dahil talaga namang napacute at bibo ni Ara at ito ang umaliw sa kanya nang iwan siya ni Robb para kunin ang first aid kit nito nang natapilok siya.

         “Ara anong ginagawa mo dito!” Bati niya sa bata na niyakap agad siya na ginantihan niya din ng yakap.

         “You two know each other!” Sabi nang matanda na parang nagalak dahil kakilala niya ang apo nito.

         “Ate syempre dito ako kasi bakasyon eh at saka di mo ba alam na galing palang dito si kuya Robb? Yes gram’s siya po yung girlfriend ni kuya Robb na inuwi niya nung andun ako sa bahay ni kuya” Sabi nang bata na ngayon ay nakatabi na sa lola nito.

         Sobrang nagulat si Francesca dahil sa sinabi ng bata at doon niya lang narealize na apo din pala ng matanda si Robb kung ganon nga. Hindi pa man siya nakakaisip ng sasabihin kung idedeny na nobya siya nito o aangkinin ang binata ay nakita niya ang reaksyon ng matandang babae.

         Nanlaki ang mata ng matanda at tinignan siya na sobrang kinakaba niya pero nawala ang lahat ng kaba niya nang biglang nagsalita ang matanda, “I’m so glad hija! Why didn’t you tell me?” sabi nito at biglang ngumiti ng napakalapad sabay tayo at yakap sa kanya.

        

         Lord salamat po! At Lord patawad… white lies lang naman ang gagawin ko hehehe mtb naman kami kaya ganito di ba? Your will be done po.

 

         “Nahihiya po kasi ako saka napagusapan po namin ni Robb na sekreto muna ang lahat lalo na po ngayon na sinabihan siyang magpakasal para sa makuha niya ang support ng dad niya for the CEO position.” Sabi niya na kungtodo bigay sa acting.

         Nakita niyang nabigla ang matanda dahil siguro sa alam niya ang tungkol sa deal ng mag-ama kaya lalo yata itong naniwala sa kanya.

         “Non-sense! Dapat nga’t magpakasal na kayo lalo na’t ang posisyon ang nakataya tutal mahal niyo naman ang isa’t isa. Mahal mo ang apo ko hindi ba? Mahal mo si Roberto?”

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now