Chapter 48

710 12 8
                                    


CHAPTER 48




Tila tumigil ang pag ikot ng mundo ni Fran matapos sabihin ni Robb ang mga katagang matagal na niyang hinihintay. Hindi niya alam kung totoo ba ang mga nangyayari o isang masamang panaginip na unti-unting gumaganda.

"Seryoso?"

"Hmmm hmmm."

"SERYOSO!?" Sabi ni Fran na hindi makapaniwala sa mga naririnig.

"Do you want me to repeat my speech?" Natatawang sabi ni Robb.

"Wait... wait.. wait lang ha?

Wait lang...


Saglit lang...

Robb pakikurot naman ako saglit okaya naman paki sampal with matching yugyog baka kasi part nanaman to ng mga illusyon ko" sabi niya na talagang di makapaniwala sa mga nangyayari sa mga narinig at sa lahat lahat ng nagaganap.

"Why would I do that?" His voice filled with laughter at her reaction to what he said.

"Tell me my dear wife, Why would I hurt you para lang maniwala ka na this is reality?" sagot ni Robb na may halong pagsalubog ng kilay nito ngunit halata namang amused na amused ito sa mga nangyayari.

Binitiwan siya ni Francesca at hinila sa labas ng venue papunta sa garden na napapalibutan ng magagandang ilaw na nagsasayawan sa dilim.

Nang makarating na sila sa bahagi ng garden kung saan nakakasigurado siyang hindi na sila maririnig ng mga panauhin sa loob ay hinarap niya muli si Robb at nagsalita.

"Hello!" Biglang sabi niya dito in an exaggerated voice.

"Alam mo bang since first year high school patay na patay na ako sayo?"

"Alam mo bang ito... ito yung moment na iyon eh, then out of nowhere its here its finally here."

"Sa tingin mo ba di ko pa inilusyon to dati? naniniguro lang ako baka bigla akong magising!" sabi ni Fran na medyo inaalog-alog pa si Robb.

Napatawa nalang ang lalaki at niyakap ng mas mahigpit si Francesca.

"Paano" Yun lang ang kaisa-isang salitang nasambit ni Fran dahil hindi niya lubos maisip what brought upon this confession, this change in her husband's attitude and feelings.

"I don't know... i don't know when or how it started but i already knew that I liked you when we went to eat in tagaytay and I was supposed to tell you then but things happened... and kanina, when you said all those things...

I...

I got scared...

I didn't know what I'd do without this, without us" sabi ni Robb while motioning between them..

"Without you."

"Then it all fell into place and I knew I had to be honest with myself and with you."

"I had to man up and tell you all these. I need you Fran and all the rest I already said awhile ago."

Tila nawala lahat ng alinlangan at sakit na nararamdaman ni Fran nang gawin ito ni Robb. His hug felt like a reassurance, like a blanket full of warmth and love. Pakiramdam ni Fran na siya na ang pinakamasayang babae sa gabing iyon sa buong mundo.

Hinalikan nito ang noo niya at binitawan ang pagkakayakap sa kanya ngunit kinabig niya ito at niyakap uli ng mahigpit.

"Andali lang bitin pa. Payakap pa." Sabi niya dito at hindi naman ito tumanggi at nanatili lang sa yakap niya.

Seduction of Robb Villaruiz ( TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now