Una

2.1K 110 13
                                    

Paalala: Ang bawat kabanata ay maiikli lamang. Kung may mabibitin, paumanhin.

Ang Mata ni Lycan by Taong Sorbetes

Taong 1998, isang sanggol ang isinilang sa lungsod ng Calapan sa isla ng Mindoro. Isa itong lalaki na may kakaibang mata. Ang isa sa mata nito ay tulad ng sa tao at ang nasa kaliwa ay tulad ng mga mata ng isang lobo. Gulat na gulat ang mga magulang nito. Maging ang matanda na nagpaanak dito ay kinilabutan. Isa kaya itong sumpa o hindi? Nagkataon lang ba ito? Dahil doon, naisipan na lamang nila na ilihim ang pangyayaring iyon, namuhay sila sa kabundukan ng Halcon upang hindi na makita ng iba ang bata.

Lumipas ang labingwalong taon, isang araw bago ang ikalabing-walong kaarawan ng binata. Isang pangyayari ang biglang gumulat dito. Alas-dose ng gabi, bilog ang buwan, biglang umilangawngaw sa buong kagubatan ang alulong ng isang lobo. Kasabay noon, ang paglitaw ng isang lalaking may nagliliwanag na kaliwang mata. May pangil na matalas at ang kaliwang braso nito ay nababalutan ng itim na balahibo. Ang mga kamay nito ay nagmistulang kamay ng isang halimaw. Sa gitna ng kagubatan, ang katawan nito ay nababalutan ng hindi maipaliwanag na pulang aura.

04-24-16

Ang Mata ni Lycan (COMPLETED)Where stories live. Discover now