Simula nung magising ako ay makulimlim na ang kalangitan. Kasalukuyang nasa biyahe na kami pero, hindi pa rin lumilitaw ang araw. Pansin ko rin na tahimik si Dad, at nasa labas lang ng sasakyan ang atensyon niya.

Dad?

Hmm? Walang lingon na tugon niya.

Parang kinakabahan po ako.” Sa sinabi ko ay doon lang siya lumingon.

Bakit?

Walang emosyon ang mga mata niya habang nakatitig at naghihintay ng sagot.

Hindi ko po alam.” May kasama rin itong pag-iling.

H'wag kang mag-alala may magbabantay sayo habang nandoon ka.

Kahit lumipat na ako ng school ay may mga bantay pa rin ako. Kailan ba ako mawawalan ng bantay? Kahit naman anong gawin kong pagmamatigas, ay wala pa rin magbabago.

Kumunot ang noo ko nang may mapansin sa harapan.

Iyon na po ba ang main campus ng Centrias University?Bumalik ang tingin ko kay Dad. Isang ngiti ang naging tugon niya.

Sa dulo ng daan na binabagtas ng sasakyan na lulan namin, ay natatanaw ko ang kalahati ng mga gusali sa likod ng mataas na pader. Sa tingin ko ay matibay ang haligi na nakapalibot sa buong campus.

Makalipas ang ilang minuto ay huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking gate. Sa nakikita ko ay gawa ito sa bakal. Itim ang kulay nito at sa gitna ay ang kulay gintong logo ng Centrias University. Nahati sa gitna ang logo nang bumukas ang gate. Mabagal ang pagbukas pero unti-unti kong nasisilayan ang nasa likod nito.

Muling umandar ang sasakyan at pumasok sa loob. Tumambad sa akin ang isang mahabang daan at malawak na hardin. Puro berde ang makikita sa buong paligid, at hindi magpapahuli ang iba't ibang kulay ng mga bulaklak. May natatanaw din akong malaking water fountain sa gitna ng daan. Apat na daan ang nakikita ko at parang nahahati sa North, South, West and East. Sa likod naman ang matataas na gusali na ang disenyo ay makikita mo lang sa Europe. Nang makalapit sa fountain ang sasakyan ay lumiko ito at binagtas ang daan na nasa kaliwa. Dalawang mataas na gusali ang natatanaw ko, at habang palapit kami ay nakikita ko kung gaano ito kataas. Katulad ang disenyo nito sa mga gusali na nakita ko sa di kalayuan.

Teka. Totoo ba 'tong mga nakikita ko? Pakiramdam ko ay napadpad ako sa ibang bansa at panahon. Dahil kakaiba ito kaysa sa modernong disenyo ng mga University sa lungsod.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking gusali. Napansin ko na maraming tao ang nakasuot ng itim na cloak, habang nakatayo at nakapila sa labas. Halos lahat ay nasa sasakyan namin nakaharap. Natatakot ako dahil sa suot nila.

Naunang lumabas ng sasakyan si Dad habang ako'y nanatili lang sa loob. Nagtaka ako nang yumuko silang lahat. Alam kong si Dad ang may-ari ng school pero, bakit kailangan pa nilang gawin iyon? Umayos silang lahat ng tindig at hindi naalis ang mga mata kay Dad. May ilan din na nakatingin sa akin kahit nasa loob pa ako ng sasakyan. May isang bagay akong napansin, walang emosyon na makikita sa mga mata at mukha nila.

Sherez, ano pa bang ginagawa mo sa loob? Lumabas ka na. Medyo nabigla ako sa pagtawag ni Dad sa akin. Lumabas na rin ako ng sasakyan at tumayo sa tabi niya. “Ang nakatayo sa harapan niyo ngayon ay ang nag-iisa kong anak, si Sherez Monica Centrias.

Napansin ko ang pagkabigla sa mga mukha nila. Nagkatinginan din sila at ilang sandali lang ay yumuko rin. Katulad lang din ng ginawa nila kay Dad.

Ang creepy... Bulong ko. Tumingin ako kay Dad na nakatingin din pala sa akin. Narinig niya ata ang sinabi ko.

Sumunod ako kay Dad nang magsimula na siyang maglakad. Akala ko papasok kami sa isa sa dalawang malaking gusali, hindi pala. Dahil nilagpasan namin ang mga ito at naglakad pa kami sa isang mahabang daan na napapagitnaan ng mga malalaking gusali. Ang lahat ng mga estudyante rito ay nakasuot ng itim na cloak. Ang creepy kung iisipin mong paano na lang kung tirik ang araw, pero nakasuot pa sila ng ganyan. Bawat nakakasalubong namin na estudyante sa paglalakad ay yumuyuko. Nauuna si Dad at may mga kasama rin kaming mga bodyguard na nasa likod namin.

Huminto kami sa tapat ng isang malaking gusali na may anim na pillars sa harapan. Nasa tapat na kami ng isang malaking pinto na may mga detelyadong nakaukit. Bumukas ito at ang una kong napansin ay ang mahabang lamesa sa gitna. Ang tanging nagbibigay liwanag sa loob ng silid na ito ay mga torch na nakadikit sa bawat poste ng silid. May mga nakatayo sa harapan ng mahabang lamesa, at yumuko nang pumasok kami.

Teka ano bang nangyayari? Nawiwirduhan na talaga ako.

Pumunta si Dad sa pinakadulo nitong lamesa kasama ako. Isinara ulit ang malaking pinto, at naiwan sa labas ang mga bodyguards namin.

Maupo na kayo. Sumunod naman silang lahat. Nararamdaman ko rin ang mga titig nila sa akin. Lahat sila ay nakasuot din ng cloak, pero nakababa ang mga hood nito.

Dad...Tawag ko sa kanya. Nagbaling naman siya sa akin. “Puwedeng buksan ang ilaw? O sadyang nagtitipid lang sa kuryente?Sinamaan niya ako ng tingin kaya tumahimik na lang ako.

May napansin akong lalaki na nagpipigil ng tawa.

Seba...

Napunta ang tingin ko sa isang babae na may blonde ang buhok. Siya ang sumaway sa lalaking nagpipigil ng tawa, na ang pangalan ay Seba. Ang babaeng blonde ang buhok na nasa harapan ko nakaupo ay may pagkamisteryosa. Hindi ko alam pero ganon ang nararamdaman ko sa kanya. Bigla siyang tumingin sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Alam niyo nang lahat na ito ang araw ng paglipat dito ng anak kong si Sherez. Ang nag-iisang tagapagmana ng Centrias. Malapit na siya tumungtong sa ika-labing walong taon, kaya naisipan kong dito siya ilagay para sa kaligtasan niya.

Ano raw? Nagtataka akong napatitig kay Dad. Anong sinasabi niya na para sa kaligtasan ko?

Ngumiti lang sa akin si Dad pero, ako ay clueless pa rin. Gosh, ano bang nangyayari?

Asahan niyo pong pananatilihin namin ang kanyang kaligtasan.” Sabi nung babaeng blonde ang buhok. Sumang-ayon naman ang mga nandito sa sinabi niya. Siya ata ang leader dito?

Dad, uwi na tayo? Pag-aaya ko. Kinikilabutan ako rito tapos ang presence ng mga tao rito ang weird.

Ipapahatid na kita sa dorm mo.

Iiwan mo ako rito?

Oo. Matipid na sagot niya. Lumapit pa ako sa kanya at kumapit sa braso niya Mukha na akong bata rito.

Ayoko rito.

Sherez, nag-usap na tayo tungkol dito.

Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya para bumulong. “Nakakatakot ang mga tao rito.  Napatingin naman ako sa babaeng blonde ang buhok, mukhang narinig niya ibinulong ko kay Dad. Dahil nakatingin siya sa akin na halatang amused pa.

H'wag kang mag-alala dahil masasanay ka rin dito.” Nakangiting paninigurado pa niya sa akin.

Naagaw ang atensyon ng lahat sa direksyon ng malaking pinto, nang bumukas ito. May isang nakasuot na naman ng cloak ang pumasok sa loob ng silid. Ibinaba niya ang hood ng suot niya kaya nakita ko agad ang mukha niya. Blonde ang buhok, matangkad at may asul na mga mata. Pumunta siya sa kinaroroonan namin ni Dad.

Paumanhin dahil nahuli ako sa pagtitipon. Ang galang niya. Seryosong nalipat ang tingin niya sa akin.

Kayo na ang bahala sa anak ko. Sherez, ang nasa harapan mo ay si Keiro Moonworth.

Ngumiti ako kay Keiro pero siya hindi.

Aba ang suplado naman nito.

___________

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Where stories live. Discover now