CHAPTER 1

32.5K 749 36
                                    

Sherez Monica Centrias

Nakakaramdam ako ng inis kay Dad. Gusto niyang lumipat ako sa main campus ng Centrias University. Nasa bundok ang location nito at napapalibutan ng mga nagtataasan na puno. Hindi ko alam pero sa dinami-rami na puwedeng lugar na pagtatayuan ay doon pa talaga.

Sherez, ibinilin na kita sa magiging roommate mo roon. Sabi ni Dad nung makaupo na siya sa sofa, rito sa living room.

Ang ibig sabihin ay doon na ako mananatili at hindi na ako uuwi rito? Hindi makapaniwalang tanong ko.

Masyadong malayo kung uuwi ka pa rito. Sagot niya at nagbuklat ng newspaper habang umiinom ng kape.

Edi h'wag na lang ako mag-aral doon. Malayo pala eh.

My decision is final. Pack your things dahil bukas ihahatid na kita. Maawtoridad na utos niya.

Tumayo ako at naglakad na paakyat ng hagdan para magtungo sa kuwarto ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit doon niya ako gustong mag-aral.

Nang makapasok sa loob ng kuwarto ay humiga ako sa kama at tinawagan si Reynold. Dalawang ring pa lang ay sinagot na niya.

[Hello Sherez, napatawag ka?]

Naiinis ako.

[At sa akin mo ibubuhos lahat ng inis mo?]

Umangat ang gilid ng mga labi ko.

Puwede rin? Kung gusto mo why not?

[Nakakatakot hahaha!]

Nasabi ko na dati na gusto akong ilipat ni Dad sa main campus ng CU di ba?

[Oo, and?]

Tuloy talaga ako at doon na rin ako magdo-dorm.

May inis sinuntok-suntok ko ang unan na nasa tabi ko.

[Woah, really? Akala ko joke lang yon.]

Baliw ka ba? Kailan pa nagbiro si Dad? Gusto kong mapaikot ng mga mata sa kanya.

[Oo nga noh? Nga pala gusto kong sumama at ihatid ka.]

Sige, ipapaalam na lang kita kay Dad.

[Kailan ka ba aalis?]

Bukas na.

[Ano?! Agad-agad?]

Oo.

[Aww... Kawawa ka naman bestfriend.]

Sobra, nga pala matutulog na ako.

[Okay, text mo na lang ako kung payag ang Dad mo at kung anong oras ka aalis.]

Sige, goodnight.

[Sleep well, Sherez.]

Pagkatapos ng call ay inilapag ko sa ibabaw ng nightstand ang phone, at naghanda na para matulog. May bagay na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin ang main campus ng Centrias University––basta nawi-wirduhan lang ako sa school na yon. Kahit pa na pagmamay-ari ng pamilya namin iyon.

.
.
.
.
.

Kinabukasan...

Nakahanda na ako para umalis at ganon din ang mga dadalhin ko. Nag-iwan na rin ako ng mensahe kay Reynold, na hindi pumayag si Dad na sumama siya. Ang KJ ni Dad, ihahatid lang naman ako nung tao at kilala naman niya si Reynold.

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Where stories live. Discover now