Chapter 32 - Bewildered

Magsimula sa umpisa
                                    

"Buti na lang talaga at bumalik si Jiro sa bahay. Nakalimutan niya daw kasi yung phone niya sa sala. Itong si Ally naman, nagtaka kung bakit hindi mo pinagbubuksan ng pintuan ang boyfriend mo. Kaya lumabas siya ng kwarto at nagulat siya na makita ka sa sahig. They brought you here"


"Thank you Ally, Jiro..."


"Wala yun ate. Magpagaling ka please" Allyson whispered.


Tinignan ko ulit si Kuya Biceps.

KNIGHT in shining armor ko talaga 'to.


"Good morning" Nakangiting bati ni doktora na kakapasok lang ng pintuan.


I smiled at her.

"Kamusta? Are you feeling well?"

"Opo. Normal naman po yung paghinga ko ngayon"


"Alam mo naman sigurong napakadelikado ng nangyari sayo kagabi. Fainting is not good. Kapag nawalan ka ng oxygen, it could cause you some serious brain damages"


"So am I going to die?"


"Kenzie!" Sigaw nilang lahat.


"He he. I'm joking" Pagtawa ko pero ni isa sa kanila hindi man lang ngumiti. Lalong-lalo na si Jiro na ang sama ng tingin sakin.


Okay! That was a bad joke!

Eh kasi naman ang tahimik nila, kinakabahan tuloy ako ng di oras.


"Anyway, no. You're not going to die kung susundin mo ang mga bilin ko" Sagot ni Doktora. "You have to go here every month para ma-injectionan ka ng steroids. It will help your lungs to expand. Also I already gave your mom the list of medicines you need to take. At iwas sa pagpapagod"


"Okay po. May isang tanong pa po ako dok"

"Yes?"


"Am I not allowed to go to Cebu? Kasi po dadalawin sana namin yung lola ko. Matagal-tagal na rin po nung last ko siyang nakita. Hindi naman po siguro ako mapapagod sa flight and also, magstay lang naman po kami don sa bahay"


"Actually, pwedeng mag-cause ng breathing problems sayo ang reduced air pressure ng plane. Pero kung magbabarko kayo, as long as you have your inhaler and medicines, pwede naman"


"I'll release her today since she's good to go" She told my mom. Magkakilala yata sila.


Paglabas ni doc, napailing si Mama.


"Nakalimutan mo yatang doktora ang nanay mo. Sana ako na lang tinanong mo" Tatawa-tawang sabi niya.

Ay oo nga pala...


"Ma, pano ka? Di kayo magkikita ni Lola?" Nagaalalang tanong ko.

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon