EM 14 : POV of Bel

31.3K 562 26
                                    

BEL’S POV

“Sigurado ka?” paninigurado ko sa kanya.

Nag nod naman siya habang nakangiti.

“Kanino pa ako magsisimula?” bulong ko sa sarili ko. “Nga pala, diba sabi ko na kanina, akala ko si Xiumin ang bunso? Ang cute niya kasi. Ang baby face!”

Nag nod naman siya habang pinipigil mangiti. “Si Tao, akala ko, galit sa mundo. Kasi nakikita ko sa mga picture ang fierce niya. Pero nung nakasama ko siya, grabe, para pala siyang bata, yun pala siya ang maknae sa EXO-M. Akalain mo yun?!” bilib na sabi ko.

“Si Chen… unang tingin ko sa kanya. Makulit siya. Ewan ko ramdam kong lagi siyang may baon na kalokohan. Yun pala totoo nga! Diba troll king tawag sa kanya? Pano naging ganun?” I asked Suho na ngayon ay nakatingin sakin habang tumatawa.

“Yaan mo, malalaman mo din kung panong naging troll yun. May fansign kaming naka schedule eh.”

Nag nod na lang ako. “Sino pa ba? Ah. Si Lay. Mukha siyang tahimik at hindi mahilig umimik. Which is true. Tahimik nga siya. Parang laging NR. Per o kapag tumatawa siya, napapatingin na lang talaga ako. I wonder nga kung may something ba about kay Lay na nakakatuwa eh.”

“Sus, tahimik lang si Lay kasi hindi pa siya ganun kasanay sa Korean, sila ni Tao.”

“Pero madaldal si Tao.”

“Oo. Madaldal talaga. Pero minsan hindi mo maiintindihan masyado sinasabi nun.”

Nag nod naman ako.

“Sino pa?” Suho.

“Si… Luhaaaan!” tili ko. “Grabe! Si Luhan! Akala ko babae siya dati. Swear!” Amaze na sabi ko.

“Para kang si Chanyeol. Alam mo na ba yung story nung pinakilala sa kanya ni manager si Luhan? Akala niya, boy-girl group ang EXO. Akala niya talaga babae si Luhan. Pero swear, manly si Luhan. SIya ang pinaka manly sa lahat.” Pag kukwento ni Suho habang natatawa.

“Seryoso? Waaah! Hindi na ako ang tataka, mas maganda pa nga sakin si Luhan eh!”

“HAHAHA! Maganda ka naman, mag ayos ka lang. Hindi pa kita nakikitang nakaayos.”

“So sinasabi mong magulo itsura ko?”

O___O “Hala! Hindi naman no! Mas maganda ka lang talaga kapag naka ayos ka, sure ko yun.”

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Where stories live. Discover now