EM 1 : Sasaeng fans

41.2K 753 49
                                    

SOBRANG KOBORINGAN ANG NATAMO KO NGAYONG ARAW NA ITO. XD

Heeeellllu EXOTICS! Eto na ang UD :D

Base to sa nangyari sa EXO nun sa airport. -_______- Alam kong alam niyo yun. Medyo nakakainit talaga as in sobrang nakakainit talaga ng ulo. 

------

“WOOOOOOOOOOO!!!”

“SARANGHAE BEL!!”

“BEL BEL BEL BEL BEL!!!”

Wala akong marinig kundi ang ingay ng sigawan sa crowd, ang dagundong ng mga kanta ko sa speaker… ang mga ilaw na nakatutok sa stage.

Yes! This is my first concert sa Korea… at napaka saya ko dahil matagal ko ng pinapangarap ito.

Nag sign ako sa isang staff na okay na, and with that, may pinindot siyang button dahilan para umangat ang kinatatayuan ko.

Hinawakan kong mahigpit ang gitara ko… ETO NA! ETO NA TALAGA!

“WOOOOOOOO!!” habang papalapit ako ng papalapit… mas lumalakas ang sigawan. “KAAAAAAAAAAAA!!”

Hindi ko akalain na tatanggapin ako ng mga tao sa Korea gaya ng pag tanggap nila sa mga Kpop Group at solo artist na mga lalaki.

Muntik na akong masilaw sa liwanag na nanggagaling sa spotlight, hudyat na simulan ko na ang aking kanta…

Kinalabit ko ang aking gitara, sa simula ay maayos ito hanggang matapos ako sa intro nang biglan…

*KLENG!* sabay sabay itong naputol dahilan para mataranta ako at namali ng hakbang at nahulog ako sa kasing taas nang isang hagdan dahilan para magatwanan lahat ng tao na nanood ng concert na ito.

Wala akong marinig kundi ang papalakas na papalakas na tawanan hanggang sa may naririnig akong isang maingay… parang yabag ko kalabog…

*BLAG BLAG BLAG*

“HAHAHAHA!!! ANAK!!! GUMISING KA NAA!!!!!” Agad akong napadilat dahil… panaginip lang pala.

Dali dali akong bumiling at nagtakip ng unan sa aking ulo.

Ang aga aga pa, baliw nanaman yung nanay ko!

“BEL! GUMISING KA!!!! SISIRAIN KO PINTUAN MOOOOO!!!” sigaw niya sa laba ng kwarto.

“Ma! Inaantok pa ako! Mamaya mo na ako guluhin!!” sigaw ko pabalik at nag talukbong ng kumot ko.

“ISA!! Itatapon ko laptop mo kapag hindi mo to binuksan!!”

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Where stories live. Discover now