ER 4 : Dobi (2502)

27.4K 462 45
                                    

Nakatingin lang ako sa pintuan kung saan lumabas ang EXO at ngayon ay tinatahulan ng alaga ko.

“Come here boy. Come here.” Tawag ni Myungsoo Oppa.

Tiningnan lang siya ng aso ko at binalik ang tingin sa pintuan tsaka tumalon habang pilit binubuksan yung pinto.

“Dobi!” tawag ko sa kanya. He just looked at me.

“Come here boy. Come Dobi.” Tawag sa kanya ni Myungsoo Oppa. He looked at Myungsoo then snorted.

O_O Wait, nag snort si Dobi? Yung parang isnabero lang ang peg ganon?! Kinagat niya yung toy niya at umalis sa pintuan, yung feeling na akala mong malditang aso.

Napailing na lang ako. “Hindi talaga ako gusto ni Dobi.” Natatawang sabi ni L.

Natawa na lang ako. Alam ko naman kung bakit.

Tiningnan ko si Dobi at nakaupo lang siya sa sulok habang kinakagat ang stuffed toy niya na may print ng mukha ni Chanyeol =___= I know it’s lame. Kaya nga kanina noong nakita o narinig niya siguro si Chanyeol agad siyang tumakbo, nag tago kasi sa sulok noong nakita si L eh.

FLASHBACK

“Anak, may regalo ako sa’yo.” Bungad sakin ni mama nang makapasok siya sa dorm ko. Nandito siya dahil nga binibisita niya ako dito sa Korea at siya ang nag aalaga sakin since isa nga akong trainee.

Napatingin ako sa kanya na may gulat na mukha ng itapat niya sakin ang isang tuta na dunilaan yung ilong ko.

O_____O “Hala Mama!” layo ko agad dahil bigla akong naduling.

“Oh diba ang cute cute?! Diba eto yung gusto mong tuta noong napadaan tayo sa petstore?” tanong niya.

Nag nod naman ako at agad binuhat yung tuta na sobrang liit, isa siyang shih tzu princess type. Pero baby pa lang siya dahil kasing laki pa lang yata siya ng stufftoy. @_@ WAAAH! Bakit ang cute!

“WAAAAAAAH! ANG CUTE CUTE MO!” gigil na sabi ko habang yakap yakap iyon, maliit pa lang din ang ipin niya siguro mga nasa 4 months pa lang ito.

“Raaaar” pakikipag laro niya sakin.

Noong una ko pa lang siyang makita sa petstore, siya ang pinaka hyper at nakadikit na agad yung mukha niya sa salamin na parang nag papacute sakin.

Pinuntahan ko siya sa loob at nag paalam kung pwede ko ba siyang hawakan, kaso kahit enjoy na enjoy ako sa kahyperan ng tutang to, kailangan ko siyang bitawan dahil mag sasara na daw sila.

Siguro sa sandaling oras na nag harutan kami ng tutang to, nag karon agad kami ng koneksyon. Hyper siya, Hyper ako.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Where stories live. Discover now