ER 23 : Episode 2

19.8K 416 108
  • Dedicated to MinYeol Shippers
                                    

CONDOLENCE sa FEELS! :)))))

---

“In 5 minutes mag start na tayong umakyat ha?” tanong ng staff samin habang kakasubo pa lang ni Chanyeol ng last food sa lunch box na dala ko.

“Wife. Ang sarap gn luto mo. Gusto ko ulit ng ganito.” Ngiti niya habang pinakita sakin yung empty lunchbox.

“Gusto mo ulit ng pancake?” pag lilinaw ko.

Tumango naman siya “Pancake na luto mo lang ang gusto ko.” ngiti niya habang sinasara yung lunchbox.

May lumapit saming staff at binigyan kami ng lapel. Napansin ko din yung mic na kanina pa binubuhat ng isang staff.

Kinuha ko yung lapel mic ko at inayos yun at nanag mapatingin ako kay Chanyeol, nakatingin lang siya sakin.

“Bakit?” tanong ko. Bigla akong nailang eh.

“Hindi ako masyadong marunong maglagay nito eh.” halata ko nga dahil kulang na lang mabuhol yung wires.

“Akin na nga.” Tingkad ko at inayos muna yung damit niya dahil iiipit ko pa yun. Medyo nag bend siya palapit sakin para hindi ako mahirapan at inayos yun. “O diba. Mas okay.”

“Yup! Thank you Wife!”

Dahil hindi ako makatagal sa sweetness nitong kapreng to dumila lang ako sa kanya.

“Cutie!” bulong niya sa likod ko habang natatawa.

Kinuha ko yung bag ko pero knuha niya yun.

“Ya! Akin an yan.” Reklamo ko.

“Ako na. Ikaw na dito sa bag ko. Mas magaan to.” sabit niya sa balikat ko ng bag niya.

O_O “Wala naman yata tong laman eh!” nginitian niya lang ako habang sinasabit sa balikat niya yung bag.

“Why so sungit?” natatawa pa siya.

WAAH! DAPAT SWEET KAMI PERO BAKIT GANITO TO KUNG MANGASAR! Napapout na lang ako at pumunta sa gilid niya sabay kagat sa kanya.

“YAAA! MASAKIT YUN AH!” reklamo niya habang nanlalaki yung mata.

Napangiti na lang ako ng pangasar eh. Buti nga sa’yo. Sabay belat at lumakad na ako pero nauna pa din siya at hinawakan yung kamay ko. Parang inaaalalayan ako at ilapit lalo sa kanya habang nag lalakad kami.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Where stories live. Discover now