ER 7 : Same Favor (2485)

25.2K 470 45
                                    

EXO

“Bakit may dala kang bulaklak manager?” tanong ni Xiumin kay Manager Hyung nang makita niya itong pumasok sa dressing room.

“Wow! Ayan!” tayo bigla ni Chanyeol at sinalubong si Manager at agad tong binigyan ng manly hug. “Thank you Manager, sa palagay mo magustuhan niya to?”

“Oo naman. hindi naman mapili yung si Bel.”

“AYIEEEE! Ano yang bulaklak nay an ha?! Ano yan! Para saan yan? Wala naman si Bel dito.” Singit ni Suho.

“Sabi ni Manager niya nandito daw sila kaya nag pabili agad ako kay Manager Hyung ng bulaklak.” Sagot ni Chanyeol habang hindi maalis ang ngiti sa mga labi.

“Aba, at pati ang Manager ni Bel nakakausap mo na ngayon ah?” Luhan

“Siyempre! Sa kanya ko kaya tinatanong schedule ni Bel.” Ngiting tagumpay ni Chanyeol dahilan para matawa na lang ang iba.

“So kailan mo ibibigay yan? Pupunta na tayo sa backstage.” Pag papaalala ni Kris.

“Sa dressing room niya na lang. Para medyo surprise.” Ibang ngiti ni Chanyeol dahilan para mag tinginan lahat.

“Malala ka na boy!” Chen

Hindi niya pinansin ang kantyaw ng mga kapwa niyang member ng grupo at minabuting tumayo na lang.

“Ibibigay ko lang ‘to. Babalik din naman ako agad.” Ayos pa ng buhok ni Chanyeol at smulyap pa sa salamin.

“Sige. Pag balik mo, tapos naman na sigurong i-download to.” taas ni Luhan ng gadget niya kung saan nakalagay ang percentage ng dinadownload nilang music video.

Nag salute si Chanyeol at agad ding umalis at pumunta sa dressing room ni Bel. Hindi niya alam kung ano ang uunahin niya, kung ibibigay niya muna ba ang bulaklak o panunuorin niya ang kaka release pa lang n music video kung saan nasan si Bel at Myungsoo.

Hindi maiwasan ni Chanyeol na mapaisip, simula nang makita niya si Myungsoo at Bel na magkasama sa dressing room ay sumama talaga ang loob niya, pero pinalampas niya iyon dahil nag kasama naman sila ni Bel at tila inisantabi ang pagseselos.

Iniisip niya na lang na natural lang naman siguro ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa since nag tatrabaho si Myungsoo at Bel sa iisang kumpanya.

At ngayon… panibagong music video ang narelease ng nasabing kumpanya. Hindi niya alam kung paanong preperasyon ang gagawin lalo na’t napanuod na niya ang nasabing teaser.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu