EM 21 : Chairman's Plan [SHORT UD]

29.1K 497 27
                                    

“CHINA?!” tili ko habang inaayos ang salamin ko habang binabasa yung folder na hawak ko.

“BAKIT CHINA?!” reklamo k okay Manager.

“Aba, eh diyan daw ang promotion eh. masanay ka na, mas madami pang naka line up.”

Sabay sabi habang nakatingin sakin “Kasama ang Pilipinas.”

Natahimik ako bigla sa pag rereklamo.

“Pilipinas?” O_O

Nag nod lang si Manager.

“Kaso EXO-K lang… matagal pa naman yan. Tsaka hindi pa natin alam kung hanggang kelan ang kasunduan niyo ni Chairman.” Bulong niya.

Napa nod na lang ako at the same time, para akong nanghina… sooner or later… iiwan ko na sila. Hindi na ako ang magiging manager nila.

Pero hanggang ako ang manager nila ieeenjoy ko na lang! ^_____^

Ang pang to-troll ko sa kanila ay parang promotion nila, naka line up! HAHAHAHA!

“Ano iniisip mo at tumatawa ka pa diyan?”

^_______^ “Wala ah! Sige manager! Pupuntahan ko lang ang mga butihin kong mga alaga.”

“Mukhang kasundo mo na sila ah.”

Nag nod na lang ako at tumakbo.

“PUMUNTA KA DAW KAY CHAIRMAN!!”

Napahinto ako sa pag takbo at kumaway lang siya sakin.

Para akong zombie na dahan dahang lumalakad papunta sa office ni chairman habang halos malukot ko na yung papel na hawak ko.

Ano kaya sasabihin niya? Tatanggalin na ba niya ako bilang manager? Papabalikin na ba niya ako sa Pilipinas? O tatanggalin na niya ako bilang trainee dito? T_T Bakit ba ako nalulungkot? Dahil ba madami pa akong balak na gawin kasama sila? WAAAAH! Gusto ko pa silang makasama T_______T

Kumatok ako at sumalubong sakin si Chairman na seryoso ang mukha at ngumiti din agad ng makita ako.

“Good morning Chairman.”

“Good morning. Nabanggit ba sa’yo kung bakit kita pinapunta dito?”

Umiling lang ako.

“Pumunta ka sa recording studio. Mag rerecord ka ng kanta.”

“Ha? Anong kanta?”

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Where stories live. Discover now