EM 29 : 2nd to the LAST

27.2K 477 40
                                    

Tapos na ang autograph signing at hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. parang gusto ko na lang biglang mag breakdown dahil sa nalaman ko.

Hindi ko naman sinasadya na mag online. Pero nung nakita ko kung ano yung usap usapan. Nanghihina ako. Tapos na nga siguro ang araw ko para maging manager nila.

“Manager tara na. Baka maiwan tayo sa flight.” Kalabit sakin ni Bakehyun dahil nandito na kami sa airport. Pabalik na kami ng Korea.

Pero bukas, sa Pilipinas naman kami pupunta, dahil sa concert nila. Kinabahan ako bigla at the same time natuwa ako, sa Pilipinas, makikita ko na ang bestfriend ko, tsaka si Mama.

“Okay ka lang?” kalabit sakin ni Chanyeol pero nag nod na lang ako at iniwan siya sa van at lumayo sa kanila habang pumapasok ng airport. Buti na lang at late na, hindi na ganun karami ang tao at sa hindi kalayuan nila ako binaba, at least hindi na siguro to makakadagdag sa issue diba?

Nang makapasok ako sa airport naramdaman ko na lang na may prisensya sa likod ko.

“Bel.”

“Uncle.” Sagot ko sa kanya.

“Bukas, ikaw ang kasama sa Pilipinas at…”

“I already know.” Sagot ko sa kanya para harangin niya ako.

“Ano?”

“Ako ang kasama sa Pilipinas bukas, at maiiiwan na ako duon diba? Yun na ang huling gabi na makakasama ko sila, tama ba?” nag pipigil ako ngayon. Ayokong gumawa ng eksena dito lalo na at nakapaligid lang ang mga members.

“Binuksan mo ba ang e-mail mo Diba sinabi kong walang gagamit ng internet?” pag pipigil niyang sigaw.

“Hindi ko naman sinasadya, pero nung nakita ko kung ano ang mga kumakalat na issue sa internet na yun, isabay pa ang flood kong e-mail… alam ko na. Kaya tayo babalik sa Korea dahil kakausapin ako ni Manager Noona hindi ba? Noong nasa hotel tayo, sa buffet table… natunugan ko na. Naramdaman ko na kung ano mangyayari lalo na nung sinabi mo sakin na kakausapin ako ng isa sa mga head ng SMEnt. Naramdaman ko na yun uncle.”

Tahimik lang siya habang ako pinipigilan ko ang pag wawala. Gusto kong sumigaw para mawala ang sama ng loob ko, pero pinipigil ko lang!

“This is all about me being a trainee. Am I right? Bilang na mga araw ko sa SMEnt. Hindi ba?”

Hindi siya nakasagot at tiningnan lang ako ng pano-mo-nalaman-look.

Natawa na lang ako ng bahagya “I knew it.” Halos bulong na sabi ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko lalo na ngayon na sinasalakay ako ng lungkot.

Mag sasalita pa sana si Uncle nang tawagin na ang flight namin. I decided na mauna na at lumayo sa kanila, umupo ng malayo sa kanila, at mag panggap na hindi ko sila kilala.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon