ER 25 : Punishment and Pictorial

18.3K 373 30
                                    

Habang nag dadrive ako hindi ko maiwasang tingnan tingnan itong lalaking tahimik na katabi ko sa passenger seat.

“Yaaaaa~ Bakit ang tahimik mo?” sulyap ko sa kanya sabay balik ng mata sa daan.

Umiling lang siya.

“Bakit nga.” Pag pipilit ko.

“Wala naman po.” At napansin kong tumingin pa siya sa kabilang side. Sa may bintana.

Sumulyap ako sa kanya bago hawakan ang kamay niya ahbang nag dadrive ako. Nagulat siya dahil dun dahilan para mapangiti ako. Malalim ang iniisip ng isang ito.

“Malamig kamay ko?” tanong ko “Nagulat ka eh.” pag papatuloy ko.

Huminga siya ng malalim at hinawakan ng maigpit yung kamay ko. Bakit pakiramdam ko fit na fit yung kamay ko sa kamay niya? O sadyang kinikilig lang ako kaya sinasabi ko to.

Hindi ko namalayan na napangiti na lang ako habang nag mamaneho.

“Hindi naman. Tama lang. Nandito naman ako para hawakan yung kamay mo. Para kung sakaling giniginaw ka. Nandito lang ako. Kung gusto mo yakapin pa kita.” Sincere na ngiti niya kaya ginantihan ko siya ng ngiti hanggang maramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko at hinilikan ang likod ng palad ko habang nakatingin sa kalsada.

“Sa palagay mo… nasa dorm sila?” pag iiba ko ng topic habang ang u-turn using one hand dahil hawak niya nga ang kamay ko.

“Oo. Wala naman kaming schedule ngayon, pero depende kung nasa agency sila. Pero let’s try. Wala namang mawawala.” Ngiti pa niya.

Nag nod naman ako.

“Nahihirapan ka bang mag drive? May sugat ka pa tapos hawak ko kamay mo. Sige bibitaw muna ako.” Ngiti niya. Aapila pa sana ako akso late na dahil binitawan na niya ang kamay ko. “Kung kayak o lang mag drive, ako na mag mamaneho para sa’yo. Lalo pa ngayon. Mag aaral talaga ako promise.” Ngiti pa niya.

“Kahit wag na. Ako naman bahala eh.”

--

Nakarating kami sa dorm at nakasunod samin ang mga staff na may bitbit na camera.

“Nandito nga sila.” Ngiti niya habang puapasok kami sa dorm.

In fairness, malinis ang dorm, naka ayos ang mga sapatos at walang nakakalat na gamit sa paligid.

“Alam ba nila na dadating tayo?” tanong ko habang siya yumuyuko para tanggalin ang sintas ng sapatos ko at inangat ang tingin sakin, ngumiti at umiling.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon