EM 18 : Bonding with HunHan

32.1K 590 36
                                    

EXO

Nagising si Sehun dahil sa kalam ng sikmura niya at agad din siyang bumangon at lumabas ng kwarto at agad naman siyang sinalubong ng ibang members na nasa dining area.

“Maknae! Okay ka na?” salubong ni Tao habang puno ang bibig.

Nag nod naman si Sehun habang nakanguso at hawak hawak ang batok.

“Tho may thakit nga ako kagabi?” nag aalangan na tanong niya.

Nag tanguan naman ang mga members habang kumakain.

“Okay ka na ba? May rehearsal tayo eh.” Chanyeol.

Nag nod naman si Sehun habang nakatayo pa din sa gilid ng mesa. Naalala niya ang schedule niya at bukas na gagawin ang music video nila ng Growl.

“Edi totoong may nag alaga  thakin? Pero thino yun? Hindi ko naman yata kilala?” bulong niya nang biglang may nagtakip ng mata niya.

“Hulaan mo kung sino to?” isang babae na nilalakihan ang boses kaya napangiti si Sehun. Sa boses pa lang kilala na niya ang babae.

“Manager!” sabi niya ahbang tinatanggal ang kamay ni Bel sa mata niya at dinala niya sa tyan niya dahilan para nakayakap si Bel sa kanya mula sa likod.

Sumilip naman si Bel habang nakapout dahil hindi na ito makapalag sa ginawa ni Sehun.

“Yaa! Ano okay ka na ba?” tanong ni Bel habang nakaipit ang ulo sa braso ni Sehun.

Agad naman natahimik si Sehun nang makita ang ibang itsura ni Bel dahilan para makatakas ito.

O_O “Manager?”

Napaihip na lang si Bel ng bangs tsaka pumunta sa mesa at sinubo ang isusubong sushi ni Luhan.

“Oh, ano pa tinatayo tayo mo jan? Bakit hindi ka pa kumain? Gusto mong magkasakit ulit? Pasaway ka. Oh siya mauna na ako. Wag kayong malelate ha?” tingin niya sa lahat. “Suho?” nag nod si Suho. At tumingin si Belk ay Kris. “Kris?” ganun din si Kris sabay inom ng tubig.

“Ako na ang bahala.” Kris.

Nag nod naman si Bel at isa isang ginulo ang mga buhok ng mga members samantalang kay Sehun may kasamang pisil pa sa pisngi.

“Kain na ha? Wag kang makulit. Kukulayan pa yang buhok mo mamaya.” Pag papaalala niya bago mag paalam sa boys.

Samantalang si Sehun nakatayo pa ding tulala habang nakatingin sa saradong pintuan ng dorm nila.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Where stories live. Discover now