EM 10 : Teaser and Music Videos

32.8K 568 20
                                    

Ako po ay lubos na maligaya sa kadahilanang napa bilang po sa top ang EM kahit sa dalawang araw lamang. Nais ko pong magpasalamat sa pag babasa ng aking likha. Para po sa inyo ang... ang... update na ito. 

:)))) hindi ko alam tagalog ng update XD lol yaaaa! thank you po! ^___^

-------

“Hmm hmm hmmm hmmm… tonight…” pag ha-hum ko habang nagluluto.. sabi na nga ba ma LSS ako sa Baby Don’t cry na yun, ilang araw pa lang nakakalipas, pero hindi ko pa din makalimutan.

FLASHBACK

“Hindi dapat ako matulog hanggang hindi to natatapos, malapit naman na kaya konting kembot na lang to. Kaya mo yan Bel. Para sa trabaho!” bulong ko sa sarili ko sabay inat after kong lagyan ng melody yung kantang yun.

“WOOOOO!” sigaw ko. Makakatulog na ako! Thank you Lord!

Papunta na sana ako sa kama ko kaso biglang may sumilaw sa mata ko.

O__________O

“Agad agad?!” pano, umaga na at naiwan kong nakabukas yung bintana sa kwarto kaya maliwanag.

Napaupo na lang ako sa kinatatayuan ko dahil sa antok. Pero dahil umaga na, wala na akong magagawa kundi mag ready ng breakfast nung mga batang yun. Kung bata man ang tawag sa kanila.

Nagpunta muna ako ng bathroom para mag ready. After kong mag ready tsaka na lang ako pupunta sa kanila. Kailangan ko din kasing mauna sa trabaho dahil ibibigay ko pa tong copy nung kanta sa studio. At may rehearsal pa sila mamaya.

--

AAAH!” pigil na tili ko ng makita ko ang isang mahabang katawan na nakahiga sa sofa.

O_______O

Sino ba tong lapastangan na to na ginulat ako? -__- Hindi joke lang. I mean sino ba tong lalaking to na nagtyaga na matulog sa sofa, hindi to si Suho dahil kasya naman siya sa sofa, isa to sa mga matatankad eh. Si Chanyeol? Sehun? O yung Menopause na lalaking yun? >___>

Hinayaan ko na lang siyang matulog, tutal maaga pa lang naman. tatahimik na lang ako habang nilalagay sa mesa yung niluto ko para sa kanila. Paalis na sana ako nang biglang naisipan kong lapitan kung sino tong natutulog na to.

Umupo ako sa sahig para silipin siya at laking gulat ko na si Sehun ang mahimbing na natutulog dun.

Napaka peaceful niyang matulog na akala mong isa siyang sanggol. I swear! Gusto ko nanaman hilahin yung buhok niya. Kaso baka magising siya.

Ginulo ko na lang yung buhok niya.

“Pasaway.” Dahan dahan na lang akong tumayo at umalis na. Gigising naman sila ng maaga eh, dahil alam nila na may rehearsal.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ