EM 27 : A celebration to everyone but not to her

28.2K 504 94
                                    

NEW COVER. NEW UD :D

---

Maagang nagising ng dalaga para asikasuhin ang mga boys dahil dalawa ang schedule na nag hiintay sa mga ito. TV guestings and performance.

Hindi maiwasan ni Bel na mag alala, dahil nararamdaman niyang malapit ng matapos ang pagiging manager niya. Lalo na sa sinabing balita sa kanya ng Uncle niya.

Kakatok (Kakaotalk lol) pa lang sana siya sa kwarto ng boys ng bigla itong bumukas at hinila agad siya papasok kasabay noon ang pag takip ng mata niya.

“Yaaa! Anong kaguluhan ba to? Siguro magulo yung kwarto niyo no!? Puro kalat? O may bagong ligo? Or ano?” bagot na sabi ni Bel habang may matangkad na lalaki ang nasa likod niya na sa amoy pa lang ay kilala na niya. “Kris oppa, wag mong takpan mata ko.” reklamo niya sabay pout dahil hindi siya komportable kapag wala siyang nakikita lalo na at tahimik pa sa buong kwarto.

Narinig na lang niya ang marahan na pag tawa ni Kris.

“Isa! Hindi mo ba ako bibitawan?” tanong nito. Nang naramdaman niyang walang balak ito ay sumigaw ulit siya. “Dalawa! Kapag umabot to ng tatlo lagot kayo sakin!... AISH! Tat—"

“HAPPY BIRTHDAY!!” sigaw ng lahat kasabay non ang pag tanggal ng kamay ni Kris sa mata niya at sumalubong sa mukha niya ang isang cake at mga nahuhulog na confetti sa kama. Nang tingnan niya kung saan galing ang confetti ay nakita niya si Chanyeol na nakatungtong sa kama habang binabato ang confetti.

Nag tama ang mata nila pero nag panggap si Bel na hindi siya nakita at ngumiti sa mga tao sa harap niya.

“Sino may birthday?” maang maangan niya.

“Sus manager! Edi ako! Kaya ka nga sinurprise kasi ako ang may Birthday! Ako talaga manager!” Chen na sobra ang smile kahit halata sa boses ang pagiging sarcastic.

Agad naman siya nilapitan ni Bel at kiniss sa cheeks. Na ikinagulat ng lahat.

“Ikaw talaga. Wag kang mag babago ah.” Sweet na sabi ni Bel habang nakasandal sa balikat ni Chen. Samantalang ang iba ang nakatingin lang sa kanya na nakanganga lalo na si Luhan at Baekhyun na nakanganga habang hawaka ng cake.

“Dapat ba maging tharcathtic din ako para may kith ako?” Sehun na himig nag tatampo.

Natawa naman si Bel at agad na lumapit sa kanya at binigyan din siya ng kiss. Kasunod non ang pag rereklamo ng ibang members.

“Oh kalma! Teka isa isa lang. Mahina ang kalaban!” natatawang sabi niya.

Kiniss niya si Suho na binigyan din sya ng yakap ganun din kay Luhan. Si Xiumin na inoffer din ang isa pa niyang pisngi dahilan para matawa si Bel. SI Bakehyun na nahihiya habang lumalapit kay Bel at binigyan ito ng mahigpit na yakap. Si Tao na ginantihan ang kiss ni Bel sa pisngi. Si Lay na binigyan siya ng matamis na ngiti after niyang bigyan ng thank you kiss. Kai at D.O na inipit sa gitna si Bel para gumanti sa kiss na binigay niya. At pag dating kay Kris ay tila inaasar siya nito dahil nakatingala si Bel at hindi siya abot nito.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Место, где живут истории. Откройте их для себя