SPECIAL CHAPTER 4

10.7K 343 63
                                    

Guys, hindi ko kayo pinipilit basahin itong mga special chapters kasi tapos naman na yung story, hindi naman to makakaapekto sa ending. Kung baga detailed lang to sa mga nangyari sa past. o di kaya FLASHBACK kung tawagin.

[part 2]

AN: Flashback po ito ha? Ito yung reason kung bakit malaki ang selos ni Bel kay Nana, at malaki ang selos ni Yeol kay Baek. Okie? Continuation ito.

=====

“We’re home!” sigaw ni Ate Yura pag pasok na pag pasok ng bahay.

“Oh, ano balita?” salubong samin ni Suho. Samantalang si Ate halos mapunit na yung mukha dahil sa ngiti. Para silang pinag biyak na bunga ni Chanyeol. Kaya medyo napipikon ako. >.>

“Hmm. Mas maganda kung hindi sakin manggagaling.” Hagikgik niya. Nag prisinta kasi siyang sumama sa hospital, or should I say muntik na niya akong kaladkarin sa OB ko.

Hindi ako kumibo at umirap lang sa hangin at nag lakad papunta sa sala.

“Ang sungit sungit mo sakin ngayon.” Pag tatampo niya. “Alam kong mainit ulo mo kay Yeol pero, hello sis! Hindi ako si Chanyeol. Mag kamukha kami pero di hamak ang ganda ko sa kapatid kong ‘yon.” flip pa niya ng hair.

“Hmp. Inaantok ako.” Maktol ko at agad kumapit kay Baekhyun an nagulat. Busy kasi sila sa panunuod at ako umupo talaga sa tabi ni Baek para yumakap sa kanya. Eh bakit ba? Sa gusto kong yakapin si Baek eh.

“Amoy akong pawis.” Tawa ni Baekhyun.

“Wala akong pake.” At mas kumapit sa kanya.

“Ikaw bahala. Enjoy ka lang. Libre naman yan.” Patukoy niya sa pag sandal ko sa balikat niya.

“Dapat lang.” maldita kong sabi. Hindi ko alam, konting kibot nag iiba mood ko. Parang ewan lang.

“Inaabangan namin yung 1st episode ng roommate.” Silip niya sakin. Nag pout lang ako.

“Wala akong pake.” Maiksing sagot ko at pumikit ulit. Narinig ko naman ang mahinang tawanan nila.

“Panuorin natin reaksyon ni CHanyeol sa pinadala niyo na bitter juice.” Excited na sabi ni Tao.

“Mamula sana tenga niya.” Reklamo ko. Tuwang tuwa ako dati kapag pinapainom ng bitter juice si Chanyeol. Juice kasi iyon na puno ng vitamins, pero sobrang pait. Namumula ang tenga niya at ilong niya. Swear sobrang pula talaga! Pero ngayon, ayaw ko siyang makita. Mag dusa siya.

“Bakit ang sungit ni Belk ay Chanyeol? Nag away ba?” chismosong sabi ni Tao, akala niya hindi ko narinig.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن