ER 26 : Tears of Joy

18.7K 423 57
                                    

“GUYS! MAG READY NA! Pupunta pa tayo sa agency bago magpunta sa wedding nila Chanyeol!” sigaw ni Manager Hyung sa mga member na ngayon ay lupaypay sa kanya kanyang kwarto.

Parang gma zombie na lumalabas ang kwarto ang mga members habang hawak hawak ang kanya kanyang braso.

“aaah! Ang sakit ng katawan ko.” Baekhyun.

“Ako din.” Kris na naunang lumabas na sinundan ni Sehun habang tinititigan si Kris.

“Bakit ang pangit mo Hyung?” tanong ni Sehun habang sinisipat gn tingin si Kris pero si Kris tila hindi pa natatanggap ng sistema ang sinabi ng maknae sa kadahilanang tulog pa ang diwa nito. Natawa lang si Sehun at nag inat ng kaunti ng maramdaman niya din ang sakit ng katawan.

Mag kakaharap na sila sa mesa, karamihan ay tulala, ang iba gising na ang diwa.

“Parang kulang pa yata yung tulog ko.” pag cocomment ni Suho habang tumitingala.

SI Kai din ay tila inaantok pa habang hawak ang mga balikat niya. Samantalang si Chen ay nakayakap sa sarili habang nakapout. Si Lay na nakatulala sa mesa.

“Grabeng parusa naman yun!” pag mamaktol ni Chen habang tinatapik ang sariling braso.

FLASHBACK

“Mag start na kayo.” Utos ni Bel sa mga boys at napilitan ang mga ito na dumapa sa sala, kasama si CHanyeol. Tila nasakop na nila ang buong living room. “START! BUMILANG KAYO!”

“ISA! DALAWA! TATLO!” pag bibilang ni Chen habang nag pupush up na may kasamang palakpak.

“Sinisigawan mo ba ako?” pag tataray ni Bel “Sabi ko bumilang, hindi sumigaw!” pag mamaldita ni Bel. Kumbaga ito na alng ang tangin paraan para maitago ang kahihiyan na nangyari sa kanya.

Natapos ang lahat, pero hindi sa isang iglap, tanging si Tao lang ang nakatapos ng walang kahirap hirap, si Kris naman ang muntik ng makipag halikan sa simento dahil sa pag gawa ng utos ni Bel.

“ANG HIRAP!” Apila ni Chen nang matapos siya sa kalahati.

“Baka nakakalimutan mong doble ang sa’yo?” taas ng kilay na sabi ni Bel.

“Bel… sorry na kasi…” pag mamakaawa ni Chen. Pero sinamaan lang siya ng tingin ng dalaga, alam niyang hindi madadaan sa sorry ang dalaga lalo na’t alam niya sa sarili niyang malaki ang kasalanang nagawa niya.

Kanya kanyang higa sa sahig ang mga member na natapos, nandiyan ang nakapikit na Xiumin habang nakadapa. Si Luhan na naka Indian sit per okay Xiumin naka sandal. SI Sehun na nakahiga at naka patong ang ulo ni Baekhyun sa kanyang binti. Si Tao na nakasandal sa sofa, sila Kai, D.O at Suho tila mag kakadikit dahil sa pagod si Chanyeol na nakakapit sa binti ni Bel. At si Chen na paisa isang beses ginagawa ang utos ni Bel. Kris na nakapikit habang naka sandal sa sofa at si Lay na nakakalumbaba habang pinapanuod si Chen.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora