SPECIAL CHAPTER 5 : Flashback Continuation

9.9K 340 66
                                    

BROKEN AKO SO, DAMAY DAMAY NA TO! XD 

Pero seryoso... AJUJUJU TT^TT

===

“Anong ibig sabihin nito?” agad akong natauhan ng sumalubong sa tenga ko ang boses na iyon. Halo halong emosyon ang naramdaman ko, pag ka miss, pag kainis at galit.

.

Agad ko siyang tiningnan at nakita kong nakatingin siya sa magkahawak na kamay naming dalawa ni Baekhyun.

.

“Ano sa palagay mo?” pag hahamon ko habang hinihgpitan ang kapit at hawak kay Baekhyun. Halata namang nagulat siya pero natahimik din siya.

.

“Nag seselos ‘yan oh.” Pag bibiro  ni Kai at umakbay kay Chanyeol “Wala lang ‘yan.”

.

Nakataas pa din ang kilay ko sa, pan laban sa salubong na kilay ni Chanyeol.

.

“Kanino ba? Kay Baekhyun o kay Bel?” comment ni Chen habang natatawa, halata namang pinipigilan nila ‘yung tension sa pagitan ng dalawa. O sa pagitan naming dalawa ni Chanyeol?

.

“W-wag niyong sabihin na may nangyayari sa inyo habang wala ako?!” pag taas ng boses niya dahilan para magulat ako, hindi dahil sa boses niya kundi dahil sa mga binitawan niyang mga salita… so palagay niya ako pa ang may mali ngayon? Na igagaya niya ako sa ginagawa niya?

.

Gusto kong mag salita pero agad ding nanuyo ang lalamunan ko at namasa ang mata ko, kasabay nun ang pag bitaw ko sa braso at palad ni Baekhyun.

.

“Pare, kumalma ka nga.” Seryosong sabi ni Chen na ngayon ay abot ang tapik sa balikat ni Chanyeol. Kung kanina ay nag bibiro pa siya, ngayon seryoso na siya.

.

Huminga ako ng malalim at yumuko. At naramdaman ko naman ang pag hinga ng malalim ni Baekhyun at agad niya akong nilagay sa likod niya, kung baga itinago ako kay Yeol. “Pasapak ako sa asawa mo, kahit isa lang.” pag pipigil niya ng galit niya dahilan para matakot ako. Never kong naimagine na magkakaganito si Baekhyun.

.

Ano? Bakit walang sumasagot? Parang saglit lang ako nawala may nangyayari ng kababalaghan dito a?” tawa pa ni Chanyeol para mapangiwi ako.

.

“Ate… paki pasok muna si Minji sa kwarto, make sure na hindi siya lalabas hanggang mamaya.” Pakiusap ko. Agad namang tumango si Ate Yura at binuhat ang walang kamuwang muwang na Minji na tuwang tuwa pa din sa binigay na cookies ni D.O.

.

Tumahimik lahat hanggang makarinig kami ng click na galing sa kwarto. Pag ka rinig na pag karinig namin non ay agad na sumigaw si Chanyeol dahilan ng pagkagulat ko at napahawak ako sa dibdib ko.

.

“Sumagot nga kayo!” sigaw niya pa samantalang ako napako na ang paa dito sa likod ni Baekhyun at pinipigilan ko ang pag tulo ng luha ko.

.

“Pre tama na. kalma lang. Wag kangsumigaw, hindi makakabuti yan kahit kanino, lalo na kay Bel.” Pag papaalala ni Chen pero agad din namang tumingin si Chanyeol sa likod kung saan ako nakatayo at naramdaman ko naman ang pag hakbang ni Baekhyun dahilan para yakapin ko siya galing sa likod.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora