ER 8 : Infinite (1636)

23.2K 438 27
                                    

Ilang araw na simula matapos ang promotion stage, araw o linggo… pero sa totoo lang halos mag iisang buwan na din. Anong bago? Wala, mas naging busy lang dahil ang sabi ng agency ay mapapaaga ang pag labas ng panibagong single ko dahil kailangan kong sabayan ang release ng new MV ng EXO.

Napahinga na lang ako ng malalim. So childish! >.<

Tiningnan ko yung papel na hawak ko, eto sana ang kakantahin ko. ung kantang ginawa ko noong nangungulila ako sa pag kakalayo sa EXO ng walang maayos na pag papaalam. Pero yung gagawan kong music video… ibang ibang kanta.

Napasandal na lang ako sa kinauupuan ko at padabog na binitawan yung headset na katatanggal ko pa lang sa leeg ko. Eto ang ayaw ko kapag mag isa ako. Naiisip at naiisip ko ang EXO. Lalo na si Chanyeol… hindi pa din mawala sa isip ko yung napanuod kong interview nila… at yung bagong release na MV ni K.Will kung saan siya ang bida at may kasama pa siya.

FLASHBACK

“Minra… may ipapanuod ako sa’yo.” Sulpot bigla ni Myungsoo Oppa kasama ang iba pang makukulit na lalaki. Kilala niyo na kung sino.

“Ano yun?” tsaka ko pa lang binalik ang tingin sa kanya sabay bitaw sa tenga ko.

“Interview lang sa EXO.” Matipid niyang ngiti sakin. Alam na kasi niya yung nangyari between me and Chanyeol… well alam naman niya lahat.

I just rolled my eyes. Wala akong interest… kahit alam kong sa sarili kong sobrang miss ko na sila. Hindi ko siya pinansin at tinuloy ang pag hawak sa tenga ko.

“Hay nako Minra. Subukan mo akong pikunin, pipitikin ko yang tenga mo.

Sinamaan ko lang siya ng tingin “Subukan mo lang! Never na kitang kakausapin. Believe me.” seryoso kong sabi. Alam niyang hindi pa magaling tenga ko tapos pipitikin niya. Nananadya ata tong lalaking to.

Inirapan ko lang siya.

“Woah. Wag mo kasing kulitin si Minra.” Kantsaw ni Sunggyu at inakbayan ako. Isa to sa ka close ko. Well silang lahat naman pero yung iba takot sakin. Mukha daw kasi akong maldita lalo na kapag nakasimangot. Malamang, may nakasimangot bang nakakatuwang tingnan?

“Patingin nga ako.” Sinilip niya yung tenga ko “Namamaga pa, wag mo munang pitikin. Baka isumpa ka nito.” Natatwang sabi niya at nakitawa lang ang iba.

Napatingin ako sa T.V. nang marinig ko ang isang boses. Malaking boses.

Pag tingin ko sa screen mga nag tatawanang lalaki ang naririnig ko at naka focus yung camera sa isang lalaki… kay Chanyeol.

Natawa siya na parang walang problema. Pakiramdam ko… okay na talaga siya.

“Si Chanyeol kasi… yung taong mabilis mag move on. Parang ang gagawin niya. Ignore na alng at itutuloy na lang niya kung ano ang meron siya na parang walang nangyari.” Pagkukuwento ni Baekhyun.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Where stories live. Discover now