ER 6 : Smells trouble (1411)

25.5K 469 56
                                    

“Oh, Bel. Hindi mo ba gusto yung niluto ni D.O?” tanong ni manager sakin habang nakatingin sa kinakain ko na halos hindi pa nababawasan. Pano naman akong makakakain, katabi ko yung kanina pangna yata yung magkabilang dulo ng labi niya sa pisngi niya! >.<

“Ah gusto ko po. Ayaw ko lang yung katabi ko.” sabay irap k okay Chanyeol na mas lumapad yung ngiti.

“Nako! Dapat sa’yo sinusubuan. Diba guys?” tanong ni Chen.

Sa kanya ko naman binaling yung sama ng tingin ko. Eto pang isang to, gumagatong eh.

“Oo nga!” tuwang tuwang sabi ng iba, lalo na yung katabi ko na naka thumbs up pa kay Chen habang may hawak na chopsticks.

“Ayoko!” reklamo ko. Dahil nararamdaman ko na ang mang yayari kapag pumayag ako. Hindi ako prepared sa ganun no!

“Nako Bel, wag ka ng sumimangot. Namiss ka lang talaga namin. Lahat kami susubuan ka. Ganyan ka namin kamiss.” Suho. Binigyan ng tingin si Chanyeol at tila nag kasundo sila.

--

“Aaaah!”

“Lakihan mo pa yung nganga Bel. Hindi kasya yung baozi oh.” Pa cute na sabi ni Xiumin sakin.

Lahat sila sinubuan na ako. Kanina, si Lay noodles. Si Sehun, sushi. D.O, kimchi. Luhan and Kai beef. Kris, eggrolls. At eto si Xiumin, baozi, buong baozi. Akala niya kaya kong kainin yun. Nakakatuw talaga tong si Xiumin. Nakakagigil.

Madami pang ibang pagkain, hindi ko na nga alam yung pangalan ng iba. Yung sinubo sakin ni Tao, noodles siya na maanghang. Si Chen yung chicken na sinawsaw sa toyo… toyo nga bay un? Hahaha! Luhan naman sinubuan ako ng soup, may gulay din. Si Suho seafoods naman.

“Ayaaaaaan. Masarap no?” tuwang tuwa na sabi ni Xiumin at ako ngumunguya lang.

Nagyon ko lang narealize na masarap kumain kapag puno ang bibig. Nakaka excite kasi.

“Oh ako naman ako naman!” Chanyeol na pumapalakpak sa tabi ko.

Sinenyasan ko siya ng ‘stop’ at tinuro yung bibig ko na halos nakapout na dahil sa pagkapuno.

Hindi ba niya nakikita na punong puno pa yung bibig ko? Sapakin ko na to!

“Ha? Ano daw? Kiss?” inosenteng tanong niya sa mga kasama namin dito sa dining area dahilan para biglaan kong malulon yung baozi na nginunguya ko.

Hala! Bel, eto tubig. Hinay hinay ka naman kasi hija.” Abot sakin ni manager ng tubig habang hinahagod yung likod ko.

“*cough* Eto naman kasi eh!” hampas k okay Chanyeol.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon