EM 16 : Mia the Cat

31.3K 579 58
                                    

Ang awkward talaga! Pakiramdam ko… yung mukha ko, parang kamatis na dahil sa nakita ko!

“AAAAAH!” tili ni Tao.

“Asih! Mag bihis ka nga! Pasok pasok sa banyo!” rinig kong sabi ni Kris.

Samantalang ako halos hindi na makahinga dito!

O///O Hindi ba nila alam na may babae silang kasama sa building na to! Jusmio marimar!

Nakayakap pa rin sakin si Chanyeol… O____O

Agad ko siyang naitulak ng marealize kong kanina pa to nakayakap sakin.

“Okay ka lang?” sweet na tanong niya.

Inirapan ko lang sabay talikod. I need fresh air! Feeling ko lalagnatin ako sa init ng mukha ko eh!

“Saan ka pupunta manager?” rinig kong sabi ni Suho.

“Ah… wala! Doon! Sa ano… sa ahm… sa convenient store! Oo tama doon nga! Ibibili ko ng gamot si Sehun!” kanda utal utal na akong kakasabi.

“Convenient store? Diba dapat drug store?” tanong ni Baekhyun.

“Ah… eh! Basta! Kung saang lupalop man yun! Basta wag dito!”

Pag wowalkout ko at dali daling bumaba sa hagdan, patakbo na nga ang ginawa ko, kailangan ko ng malamig na hangin!

Yung maknae na yun! Grabe!

Napahinga ako ng malalim nang makalabas ako ng dorm pero agad ding natahimik ng makitang may saesang fan sa labas. Sa street.

O_____O

Agad akong napatago at bigla namang sumulpot si Chen sa likod ko at nauna siyang lumabas pero hinila ko siya.

“Aray manager bakit?”

“SSSH! May saesang sa labas. Dito ka lang! Wag kang lalabas kung gusto mong mag ka rambol!” paalala ko sa kanya.

“Eh, sasamahan kitang bumili ng gamot sa convenient store.” Himig pang aasar niya kahi seryoso ang mukha niya.

>.> “Chen.” Warning tone ko.

“Oh peace! Dala ko lang naman sapatos mo. Naka tsinelas ka lang kasi eh.” ^______^

“Aish salamat. Umakyat ka na nga! Baka makita ka pa nila eh!” bulong na pasigaw ko sa kanya dahil sinusuot ko yung sapatos ko.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon