ER 15 : Unexpected (2179)

22.8K 449 97
                                    

AN: HOLD YOUR FEELS! HANGGANG HULING TULDOK! XD

===

“Bakit ang tagal nila?” bulong ni Suho kay Kris. Samantalang si Kris nag kibit balikat lang habang nakikitingin na din sa pintuan ng restaurant na kakainan nila.

“Malapit na daw sila.” Sabi ni Myungsoo habang kakapasok pa lang sa reserved room nila. Tila kakatapos lang makipag usap sa phone.

“Sino kausap mo? Sinagot na ba ni Minra tawag mo?” Dongwoon

“Oo pre.” Ngiti ni Myungsoo dahilan para magtinginan ang mga member ng infinite. Samantalang kanya kanyang business lang din ang ibang members ng EXO.

Si Xiumin at Luhan, nagkakasundo sa pagkain. At nagtuturuan pa habang hawak ang chopstick.

Si Tao na palakad lakad at palipat lipat ng table.

Ang iba naman ay nag pipicture lalo na si Baekhyun at Chen.

Si Lay na nakikipag tawanan kay Sehun habang nakikiagaw din ng pagkain kela Luhan.

“Bati na ba kayo?” Manager.

Hindi sumagot si Myungsoo pero isang matamis na ngiti lang ang binigay niya kay Manager ni Bel.

After nilang maghintay ng less than an hour, dumating ang dalawa, si Minra na ngiting ngiti pa, at ganoon din si Chanyeol.

“Okay lang ba si Chanyeol?” bulong ni Baekhyun kay Chen.

Nag kibitz balikat lang si Chen habang tinitingnan ang dalawang papasok pa lang sa reserved room nila.

“Mukha silang masaya.” Simangot na sabi ni Sehun habang iniwas ang tingin at sa cellphone na lang niya itinuon ang atensyon niya.

Napatingin si Suho sa nakasimangot na Sehun na parang nag tatampo.

Nginuso ni Suho kay Luhan si Sehun at nilapitan naman nila Xiumin at Luhan ang binatawa at tsaka ito ginulo.

“Hey guys. Kanina pa ba kayo?” bungad ni Minra sa kanila at agad namang tumayo si Myungsoo para salubungin ang dalaga.

“Hey.” Ngiti ni Myungsoo at tiningnan ng mabuti ang dalaga. Ngumiti si Minra at agad siyang niyakap.

Nabigla si Myungsoo at tumingin agad kay Chanyeol na ngayon ay mataman na tiningnan si Minra at ngumiti kay Myungsoo at lumapit sa mga kamember niya at nakigulo sa mga pictures na ginagawa ni Tao.

Bumitaw sa pag kakayakap si Minra at tila may binulong si Myungsoo pero tumango lang si Bel habang nakangiti at nakatingin sa ibang members ng Infinite.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Onde histórias criam vida. Descubra agora