ER 22 : Lalalala~ Ep.2

21.4K 431 158
                                    

MAHABANG UD ITO!!! XD ENJOY!

___

EXO

“Hoy. Anong drama yung ginawa mo dun sa episode 1 ha?” panenermon ni Baekhyun kay Chanyeol nang makarating ito agad sa bahay.

Hindi umimik si CHanyeol at hinubad lang ang jacket at sapatos.

“Eto kasi isuot mo!” sabi ni Chen kay Baekhyun na ngayon ay nakapamewang ang binata habang si CHanyeol nakayuko pa rin para tanggalin ang sintas ng sapatos niya. “Ay teka, may kulang ka pa. Teka lang hihiramin k okay D.O.” alis ni Chen sa harap ni Baekhyun na ngayon ay busy sa pagsusuot ng binigay ni Chen habang tinutulungan siya ni Sehun na isuot ang bagay na yun.

Sa hindi kalayuan ay maririnig mo ang nag rereklamong D.O “Chen naman! Kinuha mo na yung apron ko, pati ba naman sandok?” reklamo nu D.O kay Chen.

“Saglit lang. Ibabalik ko naman. Teka lang.” nag madali itong pumunta kay Baekhyun na nakasuot na ng apron at tila hinihintay ang pag balik niya. “Eton a ang sandok. Go! Action!

Humarap naman si Baekhyun kay CHanyeol na papatapos ng tanggalin ang natitirang sapatos at tsaka namewang si Baekhyun at sabay turo kay CHanyeol ng sandok.

“Anong drama yung ginawa mo sa episode 1 ha! Hindi mo baa lam na lahat kami nanunuod? Tapos habang kumakain kayo ay kumakain din kami? Habang nasa Namsan kayo ay hindi mo baa lam na nag wawala sa tuwa si Tao dito dahil naaalala niya yung nag libot kami sa Namsan samantalang kami kinikilig sa inyo? At ano yung malungkot na ngiti mo ha? Akala mo hindi namin napansin yon? Sumagot ka!” puno ng feelings na sabi ni Baekyun samantalang si CHanyeol ay malaki na ang mata habang nakatingin sa kanya parang nagulat sa itsura at sa postura ni Baekhyun.

“WOOO! BEST ACTRESS! PARANG NANAY LANG AH!” sigaw ni Chen habang pumapalakpak sa gilid.

“I know!” pag arte pa ni Baekhyun at nag bow pa kay Chen at bumalik ang atensyon kay Chanyeol. “Sagot!” at nang matauhan… “Actress?! Hindi ako actress! Actor ako!” pag rereklamo ni Baekyun nang maabsorb ng utak niya yung sinabi ni Chen.

“Baek, ang hyper niyo nanaman.” Pag mamartsa ni Chanyeol papunta sa kitchen para kumuha ng maiinom.

“Hyper? Mababa lang kamo energy mo. Ano ba kasi problema mo?”

Hindi umimik si Chanyeol. Noong nakaraang araw pa kinunan ang episode 1 pero ngayon lang inair ito. At ngayon lang napanuod ng mga kamember niya, noong nag taping kasi ay ni isang kwento ay walang nabanggit ang binata. Ngayon lang. At ngayong nakauwi ang binata galing sa meeting para sa WGM ay hindi pa din ito umiimik.

“Wala. Wag niyo na isipin.” Ngiti ni Chanyeol.

“Ayan! Yang ngiting yan yung ngiti mo dun sa episode 1. Sus! Eto naman parang others! Ayaw pang sabihin!” pamimilit ni Chen habang sinisiko ang binata.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Where stories live. Discover now