Chapter 27 - Disclosure

Magsimula sa umpisa
                                    


"Ito manong" Bumunot siya ng one hundred pesos. "Paghatian niyo na lang po nung isa pang driver. Sorry po ah, may problema po kasi siya kaya wala sa sarili"


Parang biglang umamo yung mukha ni manong.


"Nako, wala yun. Sige, pag nakita ko siya, iaabot ko yung kalahati. Ano, sasakay ka ba ulit dito iha?"


"Hindi po, ihahatid ko na siya. Sige po" Hinila na ko ni Nixon at itinulak ako papasok ng kotse niya.

Di ako nakaangal dahil ang daming nakatingin sa amin at ayoko namang pahiyain pa siya.


"Huy, kahit wag na. Nakakahiya na talaga" Agad na sabi ko pagsakay niya ng kotse. "Tsaka dapat di mo na siya binayaran. Pwede ko naman pakiusapan si manong na ihatid ako sa bahay para makuha ko yung pera ko"


"Kenzie, wala lang ito sakin. I want to help. Besides, magkano lang naman yung binigay ko. No big deal"


Nagdrive na siya kaya nanahimik na ko.


Ayoko pang umuwi.

Wala pa kong gana kausapin si Mama.


"Actually, Nixon...wala pa kasi akong balak umuwi" Mahinang sabi ko.


He looked at me and quickly slowed down.

"San ka pupunta?"

"Kila Jiro sana..."

"Hatid na kita don"

I stared at him. "Wag na talaga. Masyado na kitang naabala"

"Wala naman akong lakad. Ano bang village niya?"


Alam kong di ko siya makukumbinsi ibaba na lang ako dito at maglalakad na lang ako kaya sinabi ko na rin kung paano makapunta sa bahay nila Jiro.


Pagdating doon, kinabahan ako bigla.


"Salamat talaga"

"Anytime. Sana maging okay ka na. Pag kailangan mo ng kausap, tawagan mo lang ako"

"Sige, thank you"


Bumaba na ko at pinanuod ko na siyang magdrive palayo. Nagdoor bell na ko sa bahay nila Jiro.


It was my first time to visit their house.

Hindi pa ko nakakapunta dito pero kabisado ko naman ang address niya since sinabi niya sa akin yun last week.


Si Japeth yung nagopen ng gate.


"Ate kenzie!" Gulat na sabi niya. "Ally's been looking for you"


I assumed tinawagan siya nito. Lagi silang magkausap eh.

Malamang alam niya ng lumayas ako ng bahay ng walang pasabi.

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon