Chapter 14 - New Start

Start from the beginning
                                    


"I'm going to make a tutorial video for my youtube account. I think my followers are gonna be happy about it. What do you think?" Tanong ni Allyson sa akin habang naglolotion ako.


May mga kaunting followers itong si Ally. Pinopost niya kasi ang mga ootds niya online at madaming natutuwa doon.


"Yeah, mukhang maganda yan" Hihikab-hikab na sabi ko.

"I'll talk about makeups tips. Right!! OMG!!" Tumayo pa siya at excited kinuha ang camera niya.


Bumaba na ako at nagluto na ng umagahan namin.

Tulog si Mama dahil puyat siya at sure akong wala siyang balak bumangon para lang asikasuhin ako.

Matanda na rin naman ako for that.


Itlog na may cheese ang niluto ko.

Nagmamadali na rin kasi ako dahil male-late na ko sa first class ko.


Nung nakakain na ko ay agad-agad akong pumanik upang magpalit ng damit.


"Bye, ly!" I waved at her before I stormed out of our house.


Nagtext ako kila Gigi kung andon na ba si Ma'am. Sabi niya wala pa naman daw.

Late na talaga ako. Saktong 8 am ako umalis ng bahay eh 8 ang start ng klase ko.

Buti na lang mabilis ang pila sa sakayan ng jeep.


Pagdating sa school ay nagtatakbo na ko papunta sa room.


Nagulat ako ng andun na si Ma'am.

Nakatalikod at nagsusulat sa white board.


Tahimik akong pumunta sa upuan ko...

Thank Goodness hindi niya ako napansin!


"Late na naman hay nako" Eli whispered.

"Tinanghali lang ng gising" Sabi ko habang nilalabas ang filler ko upang makapagsulat na.


Mabilis dumaan ang morning classes namin.

Pagdating ng lunch, lahat kami dumiretso sa canteen na walang aircon para makaiwas na rin kila Jiro.


Kaso crowded talaga dun. Daig pa ang mga fastfood chains.

Sinubukan naming maghintay na may tumayong mga studyante upang makaupo kami sa mga table ngunit magbabarkada kasi ang mga nandito kaya tumatambay pa sila kahit tapos ng kumain.


In the end, wala kaming nagawa kundi pumunta sa kabilang canteen.


"Tinatadtad ako ni Jax ng text. Bakit daw wala tayo don" Pagamin ni Gigi.

"Me too. Jiro's wondering where we are"

"Yeah because I told Enzo to shut his mouth if they ever ask him" Ika admitted.


"Ian's glad I'm not there. Sabi niya mabango daw ang paligid kasi wala ako doon"

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now