Chapter 13 - Hoping

Magsimula sa umpisa
                                    


"Ano ba nangyari sa party?" Tanong ko.


She looked at her hands and blushed.


"Eli..."


"We....uhmmm....kissed"


"WHAT?!!!" Sigaw naming tatlo sa gulat.

"OHMYGOSH! WHEN? BAKIT DI NAMIN NAKITA?" Tanong ni Gigi.

"KISSED WHERE?" Diretsang tanong ni Ika.


"Nung kinulong natin sila Jiro at Kenzie...bumaba tayo di'ba? Tapos umakyat kayong lahat nung narinig niyong sumigaw si Kenzie. Naiwan kami ni Killian sa kitchen...and he just....Ghad, nahihiya ako!"


Nagtakip na ng mukha si Eli gamit ng unan ko nung sumigaw kaming tatlo sa kilig.


I knew something happened there!

Pagbaba ko kasi noon ay tinititigan niya si Ian na nasa sahig.


"He passed out after he kissed you. Am I right?"


"Yeah...Lasing na lasing kasi siya. Pero girls, akala ko di niya maaalala yun! But it turns out he did! At feeling ko di niya nire-regret yun dahil minsan tumitingin siya sakin bago siya ngumingiti sa sahig. GOSH!"


Sa kilig namin ay hinampas namin siya.

Tawa siya ng tawa at kita sa mga mata niya ang saya.


"Kaya pala ganun reaksyon niya nung sinabi mong may bago kang crush. Selos!" Gigi said.

"Oo nga! Pansin namin yun! Nakooo! Ikaw na girl!"


Tinitigan ko sila habang nagaasaran sila.


Buti pa si Eli, walang problema sa kanila ng crush niya.

Hirap kasi ng sitwasyon ko.


"Saglit kuha akong popcorn" I told them.


Tumayo na ako at kinuha ang empty bowl sa kamay ni Maika.


Bumaba ako at nakitang nakatulog pala sa sofa si Allyson.

Pinatay ko muna yung TV at tinutukan siya ng electric fan bago ako pumunta sa kitchen.

Wala pa si Mama at mamaya-maya pang 11 pm siya makakauwi.


*buzz*


Nilagay ko muna yung popcorn sa microwave oven bago ako umupo sa counter at binasa ang text message na nareceive ko.


From: Jiro

6:08 pm.

Tahimik mo kaninang lunch.

May problema ba?


Napansin niya pala...

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon