SEASON 2 - CHAPTER 8

185 5 7
                                    

JOAN

Natapos ding lutuin ang mga pagkain. Ihahanay na lang sa lamesa mamaya. Hindi ako masyadong napagod dahil tinulungan naman ako ni Mowee.

Bukod sa mas mabilis natapos, marami rin kasi siyang mga kuwento kaya hindi ako nainip.

"Mowee, uuwi lang ako saglit, ang lagkit ko na eh, maliligo lang ako."

"Sige, Mowee. Thank you sa tulong, ha?"

"Wala 'yon, nag-enjoy naman ako eh."

"Ayee! Umuwi ka na."

Umuwi na nga siya, ako naman ay nagpahinga lang nang kaunti tapos naligo na rin at nagbihis.

Alas siyete ng gabi ang usapan namin ng mga pinsan ko, Five pa lang naman ng hapon kaya may oras pa ako para mag-ayos at ihanda ang mga pagkain.

Nang sumapit ang alas siyete ng gabi ay narinig ko nang tumunog ang door bell.

Ayos na naman lahat, naayos ko na naman ang mga pagkain. Okay, ready na. Nand'yan na yata sila.

Lumabas ako para tingnan kung sila na nga 'yong nasa gate. Sila na nga. Kaya naman binuksan ko agad ang gate.

"Hi, mga kuys!" bati ko sa kanila.

"Bebe Jo," sabi ni Kuys Aljay na pinakapanganay sa kanila, ginulo niya ang buhok ko as usual.

Lagi niya 'yong ginagawa. Inayos ko naman agad. Baliw kasi 'yon, gusto yata akong maging bruha.

"Ano'ng pagkain d'yan, Bebe Jo? Gutom na kami eh," sabi naman ni Kuys Biljay na ikalawa sa magkakapatid.

"Lahat ng favorite n'yo, Kuys," sagot ko.

"Ang sweet naman ng Bebe namin," sabi ni Kuys Biljay.

"S'yempre naman, Kuys! Ay, teka, nasaan sina Kuys Chrisjay at Kuys Danjay?"

"Nasa sasakyan pa," sagot ni Kuys Biljay.

"Ah, gano'n? Tara pasok na kayo mga kuys, sunod na lang sila," sabi ko sa kanila.

"Akala ko nga dito na lang kami forever," sabi ni Kuys Biljay kaya natawa ako at niyakap sila ni Kuya Aljay.

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay naupo agad sila sa sofa at mukhang napagod sa biyahe, apat na oras na biyahe rin.

"Gusto n'yo na bang kumain mga kuys?" tanong ko.

"Ako, kanina pa. Una na ako, kuys?" tanong ni Kuys Biljay kay Kuys Aljay.

"Tumigil ka. Hihintayin natin sila," sagot ni Kuys Aljay.

Maya-maya pumasok na sina Kuys Chrisjay at Danjay.

"Teka, bakit may dala kayong mga maleta, Kuys?" tanong ko na takang taka.

"Bebe Jo, sabi kasi ni Mama at ni Tita Isay, dito raw muna kami titira kasama mo," sagot ni Kuys Danjay na bunso sa kanilang lahat.

"ANO?" tanong ko. Wala namang sinabing ganito si Mommy.

"Oo, para 'pag may nagtangkang magnakaw dito o kaya may magtaka na mambastos sa'yo, bubugbugin namin agad," sabi ni Kuys Chrisjay na ikatlo sa magkakapatid.

"'Wag ka ngang ganyan, magagalit sa'yo si Mama, sabi n'ya na masamang makipag-away," sabi ni Kuys Danjay.

"Tumahimik na nga kayo. Kuys, ilapag mo na 'yang alak dito sa sala at ikaw Kuys, d'yan sa isang tabi mo muna ilagay ang mga maleta natin," utos ni Kuys Aljay.

It Started with a McFLOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon