Chapter 9 - Treat

Start from the beginning
                                    


"Well then please tell her I miss her"

Mabait yung si Lola. Nung naghiwalay si Mama at si Papa ay dun kami nagstay ng panandalian. Mahilig pa magbigay ng chocolates yung si Lola kaya love na love ko yun haha.


"I will. I'll be staying there for at least a week. Sa lunes siguro alis ko"

Tumango na lang ako at nagusap pa kami ng iba't-ibang mga bagay.


***


Monday...


"Take care, ly" I hugged my cousin tight. "Duga, kakadating mo lang, aalis ka naman agad"

"Hindi rin naman tayo makakapagbonding kahit nandito ako. You're so busy kaya"


Tumawa na lang ako at hinayaan na siyang kausapin si Mama.

Madaming binilin ang nanay ko kahit na alam niyang sanay magtravel si Allyson ng magisa.


"Call us when you get there" My mom reminded her.

"I will, Tita. Ingat po kayo. Bye Ate Kenzie mhuah"



"She's so brave. Hindi katulad ko, walang kaalam alam sa pagsakay ng mga eroplano" Tatawa-tawang sabi ko.


"Ayoko sana paalisin si Allyson dahil pupunta ako sa Palawan this week but Krista wants her there. Wala kang makakasama sa bahay"


I raised an eyebrow at my Mom. Kakasakay pa lang namin ng kotse ng sabihin niya ito sa akin.


"Bakit, Ma? Ano pong meron sa Palawan?"

"Seminar para sa aming mga doctors. All expense paid ng hospital kaya pumayag akong sumama"


That's fine with me.

Sanay naman akong magisa lang sa bahay.


"How long will you stay there?"

"A week, like Ally"


Oh. Ang tagal pala. 

First time na mawawala siya ng isang linggo.


"I'm thinking of telling your father about this para dun ka mag-stay sa kanila. Hindi ako komportableng magisa ka lang dito----"


"No" Matigas na sabi ko.

"Pero pumayag na siya. Kausap ko siya kagabi-----"

"What? Mom, are you insane? Nakalimutan mo na po ba ang ginawa niya last time?"

"Anak, we're adults now. May mga bagay na dapat isinasantabi"

"I'm done with this conversation"


I crossed my arms and looked away. Ayokong bastusin ang sarili kong nanay pero nasasaktan talaga akong marinig mula sa kanyang bibig na kinakausap niya pa rin si Papa.

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now